“MAY KAMAHALAN pero sulit naman.” Naiisip n’yo ba kung kanino manggagaling ang mga salitang iyan? Malamang ‘yung iba pa nga sa nakababasa nito ngayon ay guilty pa. Tama, bukambibig ng mga bagets ‘yan pagdating sa mga kagamitan na kinahuhumalingan nila. At ngayon, Pasko naman! Kaya walang dahilan para ipagdamot ‘yan sa kanila. Ito rin naman siguro ang panahon kung saan karapat-dapat maibigay sa mga kabataan ang mga deserve nila. Inuulit ko, Pasko naman.
Anu-ano nga ba ang mga ito?
Janoski shoes. Nauuso ngayon ang mga hip and stylish na sapatos tulad ng Janoski! In na in ‘yan sa mga bagets ngayon. Maraming kulay ka rin na puwede pagpilian na babagay sa personalidad ng pagbibigyan mo. Sa Nike ito mabibili na nagsisimula sa halagang P4,295.00 hanggang P4,795.00.
Polaroid cameras. Kung kailan naman nasa mundo na tayo ng digital age, saka naman bumabalik sa uso ang mga polaroid camera. Hindi digital camera ang gusto ng mga bagets ngayon! Polaroid na! Ito ‘yung mga camera na pagka-picture mo, instant print agad ng litrato. Mabibili ito sa mga photo shops tulad ng Fuji sa halagang nagsisimula sa P3,500.00 pataas. Samahan mo na rin ng films na nagkakahalagang P450.00 kada sampung films.
Casio watch. Say yes to vintage watch ang drama ng mga kabataan ngayon. Nauuso na naman ang mga uso dati. Ito ay mga watch na takaw sa magnanakaw dahil sa kulay gold o silver nito. Ito ay nagkakahalaga ng P3,000.00 pataas. Ito ay halos katulad lang din naman ng mga ordinaryong watch pero para sa mga bagets kapag sinabing Casio watch, aba, in na in sila!
iPhone 5c. Kung may budget naman at gusto ng matagalang gamitan, mag-invest na sa mga gadgets tulad ng iPhone 5c. In na in ito sa panlasa ng mga kabataan ngayon dahil bukod sa Apple brand ito, ito ay cute, fancy at colorful! ‘Yan ang mga simbolismo na nagrerepresenta sa mga kabataan. Ang iPhone 5c din ang pinakabagong labas ng Apple ngayon kaya i-expect ang napaka-high tech features nito. Ito ay nagkakahalaga ng P29,000.00
Sony PlayStation 4. Walang sinuman ang makahihindi sa Sony PlayStation 4! Mula PS3, napakatagal na panahon din ang lumipas bago mailabas ang PS4, kaya tiyak na napakaganda ng bagong features nito. Sa napakaangas ng bagong PS4 moves sa mga laro, sa napakanakabibilib na cheat ang meron nito, tiyak na gustung-gusto ito ng mga bagets. Sa 16 na markets pa lang ito nailalabas sa buong mundo, at konti na lang, mapapadpad na rin ito sa Pilipinas kaya okay na rin kung ma-late ang Christmas gift kung Sony PlayStations 4 naman, hindi ba? Ito ay nagkakahalaga ng P24,555.00. Sulit na sulit na ‘yan sa halagang ‘yan dahil hindi mo naman solo mai-eenjoy ito kundi buong pamilya at buong barkada pa!
Mga bagets, kung kayo naman ay nakatanggap ng mga nabanggit ko. Aba, magpasalamat sa magbibigay nito. Hindi basta-basta pinupulot ang pera, tandaan. Kung hindi naman kayo makakatanggap ng nasa wishlist mo, huwag madidismaya. Matuto pa ring pasalamatan ang taong magreregalo sa iyo at pahalagahan kung ano ang maibibigay nila. Napakagasgas mang sabihin, pero totoo nga naman kasi na “it’s the thought that counts”.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo