TAMA LANG ang desisyon ng aktor na si Arjo Atayde na maging pribado ang sa kanila ni Maine Mendoza.
In short, hindi naging showbiz reason kung bakit mas gusto niya na huwag sila magsama ng dalaga sa kung ano man projects.
Sabi nga niya during the media conference ng comedy flick niya na ‘TOL na showing na bukas, January 30: “This is not a showbiz thing. Thank you, Lord, if ever we work together. But if we don’t, it doesn’t really matter. What matters to me is the personal side,” paliwanag niya nang uriratin ng media ang tungkol sa namumuong pakikipag-kaibigan nila ng dalaga na sa kasalukuyan ay exclusively dating silang dalawa na sa lenguwaheng mga millennials, ang “Exclusively Dating” means may M.U or may “Mutual Understanding” na sila na lenguwahe or terminology na gamit ng mga edad na kabilang sa Dekada 80’s.
Naging close sina Arjo at Maine nang magkasama sila sa MMFF 2018 project nina Coco Martin at Bossing Vic Sotto na Jack Em Popoy: The Puliscredibles kung saan ang kaswal nilang closeness ay umabot sa ganitong kasiyahan na nagbibigay pareho sa kanila ng happiness.
Gusto ni Arjo na kung ano man sila meron ni Maine ngayon ay ma-maintain ang personal level ng “relasyon” nilang dalawa.
Kung sakali makita man sila in public, like sa mga personal dates nila tulad sa mga nakaraang pagtatagpo nila na nakunan ng mga pictures ng mga netizens dating in a restaurant at pagdalo sa isang international artist concert ay okey lang kay Arjo at hindi ito isyu.
Sa pagiging professional, wala siya nakikitang masama kung sakali magkaroon ng chance na magkatrabaho sila ni Alden Richard kung may pagkakataon.
Dahil propesyonal na walang kaarte-arte sa katawan ang aktor; “I’m open to working to anyone, I already said this a lot of times. Wala akong pinipiling artista. And if the production team, the bosses think the actor fits the role, that’s how I am.
“I’ve been working for seven years and I’ve been working with all these actors left and right, and I have no say. I’m just very thankful kasi yung mga ibinibigay sa akin na mga katrabaho ko, mahuhusay. I’m learning that way.”
Tonight, Tuesday, January 29 ang preem ng movie ni Arjo with Jessy Mendiola together with Ketchup Eusebio and Joross Gamboa sa Trinoma, inaabangan ng mga miron kung dadalo si Maine to support Arjo.
Balita namin, Maine will be sponsoring a block screening for Arjo’s ‘TOL anytime soon.
Pag natuloy ang paganap ni Maine for Arjo ay alam na natin. No explanation needed.
Reyted K
By RK Villacorta