AKO PO ay na-recruit para sa Dubai ng isang pinsang buo ko. Liban pa sa akin, naimbita kong mag-apply ang dalawa ko pang kaibigan at ipinakilala ko sila sa pinsan ko. Nagbayad po kami at sinimulan ang pagproseso ng mga papeles namin. Sa kasamaang palad, hindi po kami nakabiyahe dahil wala palang lisensiya ang ahensiya na pinapasukan ng pinsan ko. Balak pong magsampa ng kasong illegal recruitment ang dalawa kong kaibigan laban sa ahensiya at sa pinsan ko. Nakiusap po sa akin ang pinsan ko na sana ay huwag siyang isama sa mga kakasuhan dahil hindi niya alam na iligal pala ang pinagtatrabahuhan niyang ahensiya. Sa katunayan, gusto niya lang daw kaming tulungan para makapag-abroad. Kilala ko po ang pinsan ko at naniniwala po ako sa kanyang sinasabi. ‘Pag ganitong wala naman siyang masamang intensiyon sa pagre-recruit, maaari pa rin po ba siyang kasuhan? — Georgina ng Masbate City
SABIT PA rin ang pinsan mo. Ang pagre-recruit nang walang lisensiya ay illegal recruitment. At dito, hindi mahalaga ang intensiyon. Mabuti man ang intensiyon ng pinsan mo, makakasuhan pa rin siya dahil may naperhuwisyo at nabiktima.
Isa pa, hindi siya naging maingat sa pinasukan niyang trabaho. Dapat ay inalam niya muna kung may lisensiya o legal ang pinasukan niyang ahensiya.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo