“MARAMI-RAMI PO sa inyo ang masama ang loob sa akin dahil nananahimik ako ng matagal na panahon. May mga ilang beses din na nakapagdesisyon ako na magsalita na ngunit binabawi ko rin naman. Pasensya na po. Nahihirapan po ako sa aking kalagayan… Maraming beses na ginusto kong magsalita kasi parang sasabog na ang dibdib ko sa emosyon. Pero marami na ring beses na iyon ang pinili ko, ang maging isang ina at palipasin ang init ng aking emosyon upang protektahan ang aking mga anak.”
Ito ang tugon ni Racquel Pempengco tungkol sa pag-amin ni Charice kamakailan na siya ay isang lesbiana.
Maalalang maraming beses ko ring na-interview itong mag ina ay hindi pa noon gaanong kasikatan itong si Charice. Noong huli ko silang na-interview ay sa isang resort sa Laguna at kaarawan ng kanyang ina. Sa pagkakataon ding ito una kong nakita ang kanyang road manager na si Courtney Blooding na malaon ay nawala na rin.
Ano nga kaya ang kinalaman ng kanyang manager na isang foreigner sa naturang paglalantad ni Charice?
Sa aking pagmamasid nang gabing iyon, hindi ko maikakailang si Blooding ang nasusunod kung dapat bang magpainterbyu si Charice o hindi. Siya ang nagdedesisiyon sa mga hakbangin kung ano ang mga dapat gagawin sa mga susunod pang mga eksena.
Pagkatapos ng selebrasyon, naisip kong kilala na rin ako ng mag-ina dahil sa ilan naming paghaharap ay minarapat kong sanang kapanayamin ang naturang road manager na tumanggi, subalit patuloy na nakamasid lamang ito. Nu’ng kinumusta ko naman ang mag-ina na mistulang tahimik na lamang kaya naisip kong marahil ay tapos na ang oras para sa interbyu naming mga taga-media.
Nang gabing iyon naisip ko rin na kundi pagod ay baka iba na nga ang noon ang ngayon at maaaring kaakibat ng pagsikat ng Glee star ang ‘di maayos na pakikiharap.
Ito ang nakalap nating message ni Raquel:
“Nang naabot po ni Charice ang narating niyang tagumpay, akala po namin magiging maayos ang lahat. Nabili namin ang mga gusto namin, nawala ang takot kung saan kami kakain o matutulog. Akala ko ‘yun na ang simula ng mas magandang buhay sa amin.
“Pero lately po naisip ko baka mas magandang bumalik na lang kami sa dati, noong mga araw na naghihirap kami. Du’n sa mga araw na umiyak kami madalas at naglalakbay nang madalas na magkasama. At least po noon, malinaw na malinaw po sa akin ang sino, kung sino ang tunay na nagmamahal sa amin.
“At least po noon, magkakasama pa kaming tatlo sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Sapat na ba ang sikat at yaman upang mapunan ang pagkawala ng isang buong pamilya? Sa totoo lang po hindi ko po alam kung saan tumutuloy ang anak ko. Nalaman ko na lang nang maglabasan ang mga article noon sa kanya.”
Ang pangyayaring pag-amin ni Charice ay tila nagdulot pa lalo ng sakit sa kanyang ina sa national television. Sa dati pang napapabalitang ‘di pagkakaunawaan ng mag-ina.
Anumang problema, ito ay may solusyon. Marahil ay misguided lamang si Charice lalo at salat ito sa father image. Umamin man itong lesbiana at kasalukuyang karelasyon si Allysa Quijano, ako at ang ibang showbiz reporter ay naghihinalang may pinag-ugatan ito. Maaaring dahil sa kanyang dating road manager o maaring sa ibang factor. Subalit sa huli, ang makaka alam lamang nito ay si Charice.
Sa aking pananaw, kailangan niya lang ng guidance. ‘Di ako galit kay Charice at sa kanyang sekswalidad, subalit umaasa akong dapat lamang ay mailagay ito sa tama dahil sayang ang biyaya na dapat kanyang pinag-iingatan.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments, e-mail: [email protected]; cp. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia