ISANG ARAW habang nakikipagtsikahan ako with a friend na closet teleserye fanatic, napag-usapan namin ang naging takbo ng karera ni Sunshine Dizon. Given na kasi na isa siya sa nirerespeto at tinitingala sa bakuran ng GMA-7. Mula sa Anna KareNina days niya hanggang sa katatapos lang na Ika-6 na Utos, napatunayan niya ang hatak niya sa masa. Ilagay mo man siya sa panghapon o panggabi, sinusundan siya ng kanyang loyal followers. Hindi nga lang masyado narerecognize sa mainstream media ang achievements ni Sunshine dahil sa kawalan ng movie projects.
Ang isa sa Kapuso stars na tila sumusunod sa kanyang yapak ay si Yasmien Kurdi.
Sa kasalukuyan ay napapanood si Yasmien sa panghapong HIV awareness heavy drama na ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’. Sa serye ay ginagampanan niya ang papel ni Thea na isang rape victim at nahawaan ng HIV ng salarin. Dahil dito, nakakaranas ang kanyang karakter ng diskriminasyon mula sa pamilya ng kanyang asawa partikular sa kanyang biyenan na ginagampanan ni Gina Alajar at kontrabidang si Jackie Rice.
Kung titingnan mo sa Twitter ay bongga rin ang reaksyon ng mga dramarama addicts sa mga eksena ng palabas. Hindi maikakaila na nakuha na ni Yasmien ang matured market at marami ang nakiki-simpatya sa mga karakter na ginagampanan niya.
Kung titingnan mo ang naging career path ni Yasmien, mapapansin mo na she started in a reality-based artista search na Starstruck, kung saan siya ang First Princess ng unang season. Lumabas din siya sa ilang teen-oriented programs at naka-loveteam din ni Rainier Castillo.
Naging OPM sweetheart din ito with her songs like I Know, In The Name of Love at Umaambisyon. Eventually, nabigyan ng big break ang tambalan nila ni JC De Vera sa ilang Sinenovela at doon na nga nag-umpisang tawaging ‘Afternoon Drama Princess’ si Yasmien.
Sa primetime ay napansin siya sa pagganap niya bilang Charming, ang anak ni Bakekang (played by Sunshine Dizon) na nag-iba ang ugali nang gumanda.
Nang pansamantalang nilisan nito ang showbiz para mag-umpisa ng sariling pamilya, namiss ito ng kanyang fans.
On her comeback, she started doing matured roles. Some of her notable projects include Anna Karenina, Rhodora X, Yagit, Sa Piling ni Nanay at ngayo’y ito ngang Hindi Ko Kayang Iwan Ka.
Like Sunshine, Yasmien is well-loved by the Kapuso viewers. Matagal-tagal na rin namin siya hindi nakikita sa big screen. Ang huli niyang pelikula ay ang ‘Loving You’ with JC De Vera na ipinalabas ten years ago.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club