BIDA MAN siya sa isang horror movie, alam n’yo ba na matatakutin si Yam Concepcion?
Sa isang IG chat namin ng aktres na bida sa pelikulang Night Shift ay napagalaman ko na takot pala sa patay at multo si Yam.
“Dapat ko ma-overcome ang takot ko na yan.” mensahe niya sa amin. Wala man karanasan na makakita o makaramdam ng multo ay may takot si Yam.
Sa kanyang role na nagta-trabaho sa morgue, sa totoong buhay ay hindi niya keri na maging si Jessie. “Nakakatakot yun. Hindi ko kaya,” mensahe niya sa amin.
Sa kanyang kauna-unahang horror movie sa direksyon ng “Horror Film” director na si Yam Laranas, sa kanya unang in-offer ng project. Gusto ni Direk Yam na siya kaagad ang gumanap sa role.
Isa mga favorite horror movie na napanood nya ay ang The Shining. “A horror film that ages well. Kahit panoorin mo siya ngayon okey pa rin. Syempre, Stanley Kubrick ba naman,”
In real life takot si Yam sa patay at multo.
Paano napasakamay sa kanya ang role sa Night Shift? “Pinabasa nila sa akin ang script, nagustuhan ko kaagad. At isa pa, matagal ko na gusto makatrabaho si Direk Yam,”
“Fan niya ako sa mga horror movies niya na palagi namin pinapanood ng mga friends ko.
Si Direk Yam ang nag-direk ng mga local horror movie tulad ng The Road at ang latest ay ang movie ni Anne Curtis na Aurora na kasali sa Metro Manila Film Festival 2018.
Sa bagong pelikula na produced ng Viva Films at Alluid Entertainment, Yam plays the role of Jessie na nagta-trabaho sa isang morgue at isang medical technologist na assistant ng isang pathologist played by Michael de Mesa. Sa araw-araw na ginagawa ni Jessie, kasama niya ang mga patay sa loob ng morgue.
Sa kuwento, isang gabi, dahil sa hindi nakarating ang kapalit ni Jessie sa night shift schedule nito, siya ang napilitang sumalo sa panggabing trabaho ng kasama niya. .Isang gabi sa piling ng mga patay na nabuhay A perfect katatakutan movie sigurado ito.
Ang Night Shift showing na on, Wednesday, January 22 with a celebrity red carpet premiere bukas at the SM Megamall.
Bukod kay Michael de Mesa, kasama din sa pelikula sina Irma Adlawan, Epy Quizon, Soliman Cruz at Ruby Ruiz.