HALOHALOKIM! Confirmed na tinalo na nga ni Lovi Poe ang equally pretty ladies na sina Max Collins at Rhian Ramos sa puso ni Dennis Trillo sa feel-good series na “The One That Got Away”, na magtatapos na sa GMA Telebabad.
Umpisa pa lang naman ay may gutfeel na kami na kay Alex (Lovi Poe) ikakasal in the end si Liam (Dennis Trillo). Sa kuwento kasi, una nang nagpropose ng kasal si Liam five years ago. Tinanggihan ito ni Alex (Lovi Poe) dahil mas priority nito ang kanyang blooming career over her love life.
Later on, nainlab si Liam sa boyish na fitness instructor na si Darcy (Max Collins) at liberated swimwear designer na si Zoe (Rhian Ramos).
Kahit na in the end ay sina Alex at Liam ang nagkatuluyan, hindi naman bopols ang love life nina Darcy at Zoe. Si Darcy ay nadedevelop na sa kanyang kliyenteng pabling na si Inigo (Ivan Dorschner) at mukhang mapapatino na ng single dad na si Gael (Jason Abalos) ang babaeng ayaw magpatali at kiti-kiti na si Zoe (Rhian Ramos).
Kung noon ay puro drama ang projects ng mga bida ng programang ito, dito ay naipamalas nila ang kanilang ‘kalog’ at ‘relaxed’ side. Napakasarap nilang panoorin dahil maliban sa puro guwapo at magaganda, natural din ang kanilang chemistry bilang friends and eventually, lovers.
Pati ang mga supporting cast members ay swak na swak din. Wala rin super drama moments kahit pa puro award-winning actors ang kasali rito.
Nakakalungkot lang dahil matatapos na ang The One That Got Away. Wish lang namin ay mapanood ulit ang TOTGA crew in the big screen. Why not, ‘di ba?
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club