FLOP ANG show ng sinasabing Double Platinum Star ng Kapuso Network na si Julie Anne San Jose kamakailan sa Zirkoh Morato.
Sabi kasi ng producers ng show, malakas diumano itong bagets sa kanyang mga fans na sa bawat imbitasyon niya sa kanyang mga taga-hanga na manood ng show niya.
Sinasabi pa, libu-libo ang mga followers niya sa Twitter na siyang major supporters niya ng kanyang album sales at mga concerts.
Pero two Saturdays ago, super flop ang show ng bagets na hindi man lang nangalahati ang ground floor ng Zirkho kumpara sa show recently ni Daniel Padilla at Xian Lim where both are just special guests.
But with Julie Anne’s guesting that night, walang ipinag-iba ang naging kapalaran ng dalagita just like the recent fund raising show ng Philippine Movie Press Club sa same venue na ang ibinandera ay si Nora Aunor.
MABUTI NA lang at behave at disente ang mga fans ni Nora Aunor sa nakaraang Star Awards for Movies last Sunday sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies nang matalo ang idolo nila ni Angel Locsin sa kategoryang Best Actress sa performance ng huli sa One More Try over Nora’s Thy Womb.
Sa ibang mga pagkakataon, saksi kami kung gaano ka-rude ng mga fans ni Nora kapag hindi nila nagugustuhan ang nagiging resulta ng isang award-giving bodies just like in the recent Golden Screen Awards ng EnPress na imbis inaasahan nila na si Nora ang manalo ay kay Marian Rivera napunta ang tropeo as Best Actress.
Kung sa bagay, type naman yata ng mga fans ni Nora si Angel na minsang nagpahayag na “idol” niya ang dating Superstar.
Tama lang, this Noranians should behave at ang asikasuhin nila ay kung papaano nila bubuhayin muli ang namatay na career ng idol nila.
SPEAKING OF patay na bubuhayin, parang naalala ko si Madam Elma noong late 80’s na isang television character sa mga shows ni Inday Badiday noon na sabi ay binubuhay niya ang mga patay.
In short, si Madam Elma, marunong bumuhay ng patay.
What if kung pagtagpuin kaya si Madam Elma at si Nora? May magagawa kaya na magic ang hokus-pokus na manghuhula sa namatay na career ng aktres?
Sa backstage ng AFP Theater last Sunday, habang nakasalampak sa hagdanan kasama si Glenda Kennedy, pinapaikutan si Nora ng mga fans niya habang bumubuga ng yosi sa sementadong baitang ng hagdanan.
Kaloka si Nora. Malat na nga ang boses na halos wala nang marinig na salita sa kanya habang binabasa ang intro para sa Achievement Award para kay Sen. Lito Lapid walang humpay naman ang hithit-buga niya ng sigarilyo.
Akala ko ba may problema siya sa kanyang lalamunan kung kaya’t hindi siya makapagsalita ng malakas at tama.
Si Nora talaga, ayaw pa ring paawat at may katigasan pa rin ng ulo.
Papaano mo siya iintindihin sa sitwasyon niya ngayon na halos pinag-iwanan na ng panahon at kinalimutan na kanyang dating supporters?
Si Nora, pinapatay ang sarili. Si Nora, pabaya talaga sa sarili. Si Nora, baka next prospect ni Madam Elma ‘pag nagkataon.
Masisisi ba ako ng mga bulag niyang mga tagahanga kung pinipitik ko ang idolo nila?
Reyted K
By RK VillaCorta