NAKAKALOKA ANG DRAMA ng isang aktor mula sa isang primetime soap dahil kahit nga may regular show ito, panay pa rin ang emote nito sa isang kaibigang badingna bigyan siya ng raket.
Ang buong akala raw ng kaibigan nitong bading ay raket as in provincial o mall show. Pero laking gulat nito ng prangkang sinabi ng aktor na ibang booking, as in ipakilala raw siya sa mayayamang bading , dahil kapos daw siya at kailangan niya ng pambayad sa kuryente at kung anu-ano pang gastusin nito sa buhay.
Panandalian daw na natulala ang bading nitong kaibigan dahil kahit daw kasi may mga isyung ganito si Aktor, hindi raw ito naniniwala. Pero nang sa kanya na humingi ng tulong ang actor, tsaka lang niya na-realize na totoo pala na pa-booking ang kaibigang aktor.
Sinabihan pa nga raw ang nasabing bading na ‘wag maingay at sila lang dapat ang makaalam. Dahil sa pagkalito ay napa- oo na lang ang bading na naloka sa pagiging bulgar ng kausap na aktor. Sino ang nasabing actor? Hula-hulaan na!!!
(By John Fontanilla)