May samaan pa rin ng loob? Lotlot de Leon at Nora Aunor, ‘di pa ulit nagkikita!

LUKANG-LUKA ANG MGA press na dumalo sa red carpet launch ng pinakabagong drama-serye ng TV5 na Glamorosa.

Dahil in character ang excited sa pagi-ging kontra-bida niya for the first time sa balat ng telebisyon na si Alice Dixson. Kaya may mga tanong sa kanya na one-liner lang ang isinasagot niya. At maski nga ang mga kasama niya sa cast eh, gulat sa drama ni Dikya.

Tinanong kasi ito kung okay ba sa kanyang ma-typecast ngayon as kontra-bida.

“Hindi,” sagot nito. Nang usisain pa uli para mag-elaborate sa kanyang sagot at saka lang nagdagdag ng sasabihin. “My character here is very bad. I’m scheming. Very meticulous ‘yung character ko being a doctor na nagpapaganda ng patients niya. At hindi ako magpapatalo kay Natalia Herrera (Lorna Tolentino),” sabay tingin sa kapwa niya bida sa nasabing palabas.

Tinanong din siya kung ano ang masasabi niya sa muli nilang pagsasama ni LT after a long time.

“Lorna and I, wala akong masasabi. And totoo niyan, ha-ngang-hanga ako kay LT. Idol ko ‘yan. I hope to achieve as much as she’s achieved in her lifetime. And with that, magtarayan na kami.”

Powerful nga ang cast ng Glamorosa na hahawakan ng tatlong mahuhusay na direktor – Eric Quizon, Argel Joseph at Bb. Joyce Bernal. At makakasama naman nina Dikya at LT sina Gloria Diaz, Celeste Legaspi, Ronaldo Valdez, Tonton Gutierrez, Zoren Legaspi, Lotlot de Leon, Jenny Miller at ang mga bagong he-nerasyon ng artistang sina Ritz Azul, Meg Imperial, Mart Escudero at Victor Silayan.

SAMANTALA, UMARI-BA NAMAN ang pagiging sobrang vocal ng nasasanay na rin siguro sa pagiging host niya sa Paparazzi na si Zoren Legaspi.

Dahil may mga pagkakataon ngang pi-nigilan na ito nina Alice (Dixson) at Tonton (Gutierrez) sa bugso ng kanyang saloobin sa kanyang trabaho.

Bumuga kasi nang husto si Zoren sa pag-intro niya ng mga dapat na malaman sa kanilang palabas. At ang sabi nga nito, very original ang story ng Glamorosa. At hindi raw ito katulad ng mga palabas ngayon sa telebisyon na pawang remake na lang.

Marami tuloy sana ang gustong mag-correct sa kanya na may mga remake din na ipinapalabas sa TV5.

Nadala lang siguro nang sobra si Zoren sa proyekto nilang trailer pa lang eh, papalakpakan na nga dahil na rin sa aaba-ngang kumprontasyon sa pagitan nina LT at Alice, kung saan hindi mawawala ang mga eksenang may sampalan at sakitan.

SI LOTLOT DE Leon naman, na kontrabida rin ang sasalangang papel sa nasabing drama series, inusisa siyempre tungkol sa kanyang inang Superstar. At sabi nga niya, huli silang nagkita noong dalawin niya ito sa ospital nang ma-confine.

May nagbato ng tanong kay Lotlot at kinumusta kung okay na ba sila ni John Rendez. Natawa ito. Tumawa nang tumawa. Sabay sabing, “Next question please.”

Dagdag nito, “Ang tanda ko na para sa mga ganyang klase pa ng mga issue. Basta ako, kung saan ako masaya, doon ako. Kung saan sila masaya, doon sila.”

Pagkakaabalahan na nga lang din daw niya ang pangangalaga sa career ng kanyang panganay na si Janine. Dahil natuwa naman daw sila ng ex-husband niyang si Monching (Gutierrez) dahil tinapos muna ni Janine ang paga-aral nito at saka sumalang at sumubok sa pag-aartista.

Maya’t maya ang pag-kulit kay Lotlot ng mga katanungan tungkol sa kanyang ina.

“Hindi pa nga kami uli nagkikita. Kumustahin n’yo kay Ate Pi.”

Hello?

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleMaricel Soriano, Etsa-Puwera sa Listahan ng ‘Greatest Female Stars’!
Next articleRuffa Gutierrez at Shaina Magdayao, pinahahaba lang ang ‘nota’ ni John Lloyd Cruz!

No posts to display