HAPPY AKO sa mga magagandang kaganapan sa personal na buhay at career ni Christian Bables.
Ilang awards na ba ang nakuha nya sa pagiging isang aktor. Madami-dami na rin ang mga . achievements niya bilang isang artista. Maging sa personal niyang buhay, malayo na rin ang narating niya.
In his Facebook post, I’ve learned na hindi na siya makikipag-siksikan sa public bus biyaheng Cavite patungong Manila para dumalo sa mga acting workshops niya at showbiz kaganapan like castings or auditions.
Achievement for Christian ang kanyang sasakyan. He wrote: “I remember those days when i had to literally chase every Jasper Jean bus that would pass Zapote Talaba Cavite (Punuan na usually, sa Dasma Cavite pa lang). Titigil siya nang bahagya, pero umaandar pa rin, tapos sasabayan ko ng talon habang bumibilis ang takbo para lang maisakay ako papuntang Pasay MRT, kahit na standing position at halos magkapalit na kami ng mukha ng katabi ko sa sobrang sikip.
“Paulit ulit ko to ginagawa maka-attend lang sa acting classes ni Direk Rahyan (Carlos) sa Star Magic Workshops or makahabol lang sa mga auditions na kadalasan ay nasa QC.
“I remember, there was this one time habang nakasakay ako sa tricycle from Quezon Ave. MRT station to ELJ Building, pinag-pray ko habang nakatitig sa tower satellite ng ABS CBN – “God mabigyan lang ako ng chance na makaarte at mabigyan ng kahit kaunting speaking lines, kahit anong role po paghuhusayan ko talaga for your purpose” Then i woke up one day, crying my heart out… in front of a camera. Heavenly Father, you are everything.
“Thank you for all the blessings. From Your presence, to my family, to the gift of time, the gift of kind hearted people around me, and the gift of purpose. Maraming salamat po.”
Goodluck and more power Christian.