HINDI KAMI nakapanonood ng Showbiz Konek. Pero kapag ipinipikit namin ang aming mga mata, parang paulit-ulit na nagpa-flash ang logo ng nasabing showbiz oriented show na ito ng TV5. Logo ng Showbiz Konek na nasa microphone. ‘Yong microphone na iniambang ipupukok sa amin ng maldita at ubod ng yabang na reporter ng nasabing programa.
Our encounter with this ill-mannered na baklang taga-Showbiz Konek was such a very unforgettable experience. The height ng kabastusan na ni sa panaginip ay hindi namin na-imagine na aming mararanasan.
It happened during the PEP List awards night held at the Grand Ballroom of Solaire Hotel & Casino last Thursday, June 18, at around 7:00 in the evening.
Nakapuwesto ako kasama ng crew ng 24 Oras, Unang Hirit, at Startalk sa area for the media para makapag-interview ng mga dumaraang artista. Hanggang biglang may isang feeling big named TV reporter na taga-Showbiz Konek daw na biglang dumating. Walang pasintabing sumingit at sa harapan ko pa talaga pumuwesto e, siksikan na nga kami.
Sinabihan ko ang kasama niyang cameraman na saan ba talaga ang puwesto nila kasi usod silla nang usod pagitgit sa puwesto ko at ng mga crew ng GMA.
Nilingon ako ng malditang bakla at may katarayang itinaboy ako na: “Do’n ang mga photographer!” sabay turo niya sa isang sulok ng lobby ng ballrom ng Solaire.
Nakita naman niyang digital recorder ang hawak ko. Paaano ako magiging photographer? At ipaghalimbawa nga na photographer ako, bakit niya ako paaalisin at itataboy sa ibang area e, ako nga ang nauna sa kinatatayuan kong puwesto? Siya ang bagong dating na sumingit na nga, sumapaw pa dahil sa harap ko pa pumuwesto.
Nairita ako at sinagot ko ang nagpi-feeling high profile media parctitoner na: “Hindi ako photographer. Contributor ako ng Pep (na siyang nasa likod ng Pep List event na kinu-cover namin). Huwag kang ganyan. Kabago-bago mo sa pagku-cover, hindi ka marunong magpasintabi at rumespeto sa mga nakasasama mo sa trabaho.”
Mataray pa rin ang bakla sa reaksiyon niyang: “Hindi ako baguhan. Nagsusulat din ako sa Lifestyle! Kaya magtigil ka, Hindi mo ako kilala. Ikaw, kilala kita. Huwag mo akong subukan… etc, etc.”
Baguhan siya sa paningin ko dahil sa maraming taon ko nang pagku-cover ng mga events at pakikihalubilo ko sa iba pang mga taga-media at crew ng mga TV stations, first time ko pa lang siyang nakita. O well, kung institution na nga siya sa field, sori na lang, I wasn’t informed. At ipagpalagay nang mega sikat siya at ubod ng big time na TV reporter, it does not give him the right para mang-amba siya ng mic at sindakin ako na ipupukpok iyon sa mukha ko.
Hindi ako kumikibo habang nagtataray siya. Tinitimpi ko na patulan siya kasi nasa gitna kami ng ballroom ng sosyal na hotel na ang daming tao.
Hindi ko talaga nagustuhan na ini-amba ng malditang bakla ang hawak niyang mic ng Showbiz Konek sa mukha ko sabay sabing… “Nakikita mo ‘to?” pagtukoy niya sa mic na ibinabantang ipukpok sa mukha ko. “Huwag mo akong subukan! Hindi mo ako kilala!” pag-uulit pa niya.
Nanginginig na ako sa galit. Bago magdidilim ang paningin ko sa panggigigil sa kanya, I decided to leave.
I have been in the entertainment media since 1990. Aside from being a movie columnist, I have worked as a reporter and a press coordinator for Showbiz Lingo and segment writer of Cristy PerMinute shows of ABS-CBN before. Naging segment writer at head writer din ako ng S Files, and showbiz reporter for Frontpage news program dati ng GMA 7.
Sa mahabang panahong ito, wala akong na-experience na ganitong pambabastos at pagtataray sa akin with matching amba ng pagpukpok ng microphone. Kaya kong palagpasin lahat ng klaseng pang-u-okray. Pero para ambaan na pupukpukin ako ng mic ng ill-mannered baklang taga-Showbiz Konek na ito, ibang usapan na ‘yon.
Bago siya umasta-asta ng gano’n, isipin muna niya na dala-dala niya ang pangalan ng TV5 at ng Showbiz Konek kapag pumupunta siya sa mga showbiz events. I think and I really believe that he should realize na ‘yong gano’ng attitude is very unbecoming of a media practitioner.
Kung hindi siya nahihiya sa palengkerang asta niya at hindi magandang way sa pagtrato ng mga nakakasabay niya sa coverage, nararapat lang siguro na mahiya naman siya para sa network at show na pinagtatrabahuan niya.
The said incident is really very insulting and degrading. I felt that I was treated by this Doods Maglaqui as a lesser person than he is.
Regardless of age, hitsura o damit na suot mo, or social and professional status, sikat man o hindi, big time man o pangkaraniwang miyembro ng media, para sa akin… tayong magkakapatid sa hanapbuhay o sa larangan ng pamamahayag ay dapat lang na laging magbigay-respeto, maging pantay ang pagtingin sa isa’t isa, at ipaubaya sa kanino man na ating nakakasama ang equal na pribilehiyo o karapatan sa panahong at pagkakataon na kailangang ma-accomplish ang trabahong dapat nating gawin.
Gusto naming ipaabot ito sa management ng TV5. Hindi naman siguro nila hahayaan ang ganito kagaspang at kabastos na behavior ng sinuman sa kanilang tauhan. Pangaralan sana nila at kastiguhin ang mayabang maldita, at power tripper na baklang ito.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan