BLIND ITEM: Kaawa-awa pala ang lagay ng isang 20-anyos na dalaga. Sa kabila kasi ng pagiging ‘dugong-bughaw’ nito, ‘bastarda’ ang labas niya sa angkan ng old rich family na may mga malalaking properties at negosyo at involved din sa politics.
Hindi kasi kinikilala at tinatanggap ng nasabing pamilya ang girl, lalo na ng kanyang tiyuhin na pulitiko at humahawak ng malaking posisyon sa gobyerno, at ng lola nito. Ang dahilan, anak ‘lang’ kasi sa pagkabinata ng kapatid ng pulitiko ang nasabing girl, at ang ina nito ay galing sa mahirap na pamilya.
Ang kuwento, nagkaroon ng relasyon ang utol ni mayamang pulitiko sa isang staff ng isang congressman sa isang lungsod sa Metro Manila, 20 years ago, at nagbunga nga ang ‘pagmamahalang’ iyon ng isang baby girl.
From the start, alam na ng bata kung sino ang daddy niya, at alam din niyang namayapa na rin ito. Pero nu’ng nasa ospital pa raw at nag-aagaw-buhay ang utol ni mayamang pulitiko, sinubukan ng kanyang mag-ina na dalawin ito, pero ipinagtabuyan lang sila ng ‘matapobreng’ ina ni mayamang pulitiko, dahil magkakagulo lang daw. Nagwala pa nga raw ang utol ni mayamang pulitiko nang malaman iyon, pero wala itong magagawa dahil malubha na ito nang mga panahong iyon.
Nagpadala ng sulat at e-mail sa pamilya ang bata, pero wala itong nakuhang mga sagot. Nu’ng minsan na raw na umuwi ang bata sa isang lungsod (na kapangalan ng pamilya) sa Kabisayaan para makausap ang kanyang tito na kongresman pa ng mga panahong iyon, nagkasalubong pa sila sa isang event, pero dinedma lang siya ng kanyang tito.
Isang beses pa, nagkasalubong sa lamay ng kongresman na pinagtrabahuhan ang ina ng girl at ang mayamang pulitiko. Tiningnan lang daw ito ng mayamang pulitiko, at hindi man lang kinumusta ang pamangkin niya rito.
Sa isa pang pagkakataon sa Mt. Carmel Church, kung saan naroon si mayamang pulitiko, aksidenteng naroon din ang girl at ang ina nito. Lumapit si girl sa kanyang tito para magpa-picture o magpakilala. Pero nang makita ni mayamang pulitiko ang ina nito, bigla itong tumalikod at agad-agad na sumakay sa kotse kasama ang pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas.
Ganyan kung tratuhin daw ang kaawa-awang mag-ina ng mayamang pulitiko at ng pamilya nito. Iwas to the max nga sila sa mag-ina. Nasaan ang mayamang pulitiko? Hanapin n’yo na lang sa Cubao!
(By Dani Flores)