Mayor Erap Estrada, kakalabanin si VP Binay?

Joseph-EstradaFROM A showbiz reporter-attendee herself, twenty (20) times bigger daw than a regular presscon ang nakalululang laman ng sobre sa event na ipinatawag ni Manila City Mayor Erap Estrada nitong June 18.

No doubt, nagsimula nang iginagapang ng mga pulitiko ang kanilang pagtakbo sa 2016 elections. Si Erap pa rin ba bilang punong-bayan ng Maynila sa kabila ng binitiwan niyang pangako noon na hanggang isang term lang siya, at ipinauubaya na niya ang iiwanang puwesto kay Vice Mayor Isko Moreno?

To verify, tinext namin ang isang reporter-friend—an Alfredo Lim supporter though—pero this is not what persistent rumors are floating around in the city.

Ayon sa maugong na tsismis, hindi raw sa pagka-mayor ang target ni Erap kundi sa pagiging pagka-Pangulo (again?). Ploy o palabas lang daw ni Erap na sinusuportahan nito ang presidential bid ni Vice President Jojo Binay dahil in truth, Erap is determined to mount a head-on collision against Binay sa naturang puwesto.

Mahahati nga naman ang boto between them. But what if Senator Grace Poe runs for President? Ang lagay, eh, kakalabanin pa ni Erap ang unica hija ng kanyang yumaong best friend?

Or do we see an Estrada-Poe tandem in the offing, with Grace settling for the next highest post? In fairness, may tulog ang mga kalaban nila, ha?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAi-Ai delas Alas, apektado sa kundisyon ni Jiro Manio
Next articleVice Mayor Isko Moreno, nakikinabang sa parking fee sa Maynila?

No posts to display