HINIKAYAT NI Manila Mayor Joseph Erap Ejercito Estrada ang kanyang dalawang anak na senador na sina Jinggoy at JV Estrada na ayusin ang anumang hindi pagkakaintindihan at magkakaroon ng kooperasyon sa pagtatrabaho sa Senado para maibigay nila ang serbisyong nararapat para sa taumbayan.
Sa ulat ng InterAksyon.com sinabi din ni Erap na meron daw mga taong ayaw maging malapit sa isa’t isa ang kanyang dalawang anak.
Matagal nang napapabalitang may hindi pagkakaunawaan ang magkapatid sa ama. Pero ayon kay Mayor Erap, “Blood is thicker than water. They’ll always be together. I just want to show the public that we are one. I love both of them.”
Bago pa nagbukas ang session ng Senado, nag-courtesy call ang nakakababatang Estrada sa opisina ng kanyang kuya na noon ay nagsisilbi pang acting Senate President.
Habang nasa closed-door meeting ang dalawa, dumating sina Mayor Erap at former senator Loi Ejercito at sinamahan nito ang dalawa sa meeting.
Matapos ang meeting sinabi ni Erap na, “We’ll always be together because we only run for one purpose and goal in life – to uplift the life of the less fortunate people of our country.”
Sinabi din daw niya sa mga anak sa kanilang pulong na palaging alalahanin ng mga ito ang mga mahihirap.
Dagdag pa ng dating Pangulo, “So I advise my two sons to always to think of the poor, the greater good for the greatest number. Because the greatest number here are the poor people. (I told them this so) that you can at least uplift the lives of poor people.”
Tama lang naman na magkaayos na ang magkapatid kasi nasa iisang chamber lang sila at sino pa ba ang magtutulungan kundi ang magkadugo, dava?
Sure na ‘to
By Arniel Serato