MAY tatlong taon na rin yata na maganda ang epekto ng pamamalakad ni Mayor Richard ‘Goma’ Gomez sa Ormoc City.
Nalinis n ani Mayor Goma ang mga addict at mga tulak sa lunsod na hindi nagawa ng dating mga namuno na sinundan niya.
Mabilis ang pagkawala ng mga pasaway dahil seryoso si Mayor Goma na linisin ang kinasasakupan niya. Gusto niya na “drug free” ang Ormocna gusto naman ng nga constituents niya
With his effort at tunay na paglilingkod sa kanyang mga kababayan, ang Ormoc City ngayon ay idineklara na ”Child Friendly City” kung saan ginawaran ng seal of being a child friendly local government na pinirmahan pa ni Chairperson Judy Taguiwalo ng Council for the Welfare of Children at Catalino Cuy ng DILG.
Pogi points ito para kay Mayor Goma na tunay naman nage-effort sa ikabubuti ng kanyang lunsod at para sa kanyang mga kababayan.
Sa katunayan, ang daming mga projects at campaigns ng dating aktor. May mga CPR awareness projects din siya which was held last Monday, July 16 na malaki ang maitutulong pagdating ng mga sakuna at kalamidad; mga projects for the PWD at maging sa mga seniors na nakakatulong sa kabuhayan nila ang nasa top list ni Mayor Goma and not to forget and pagpu-push niya sa Lake Danao as a tourist destination para makapagbigay ng additional income sa mga taga-roon.
At ang showbiz? “It can wait. Anytime naman ay pwede ako bumalik. Sila (mga taga-Ormoc) muna,” PM niya sa amin recently.
Aside from being a hardworking Mayor, may panahon pa rin naman siya sa kayang passion; ang pagpipinta na recently ay sold-out ang kanyang mga obra na on exhibit sa Pinto Gallery sa Antipolo.
Goodluck Mayor Goms.
Reyted K
By RK Villacorta