Mayor Herbert Bautista at Maricel Soriano, marami nang pinagdaanan ang pagkakaibigan

Herbert-Bautista-Maricel-SorianoTEN YEARS old si Herbert Bautista at fourteen years old si Maricel Soriano nang gawin nila ang Kaluskos Musmos for RPN 9. Dito nagsimula ang kanilang friendship and the rest is history. This time, balik-tambalan na naman ang magkaibigan sa pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin ng Viva Films sa direksyon ni Andoy Ranay. The entire movie is a spoof. ‘Yung episode nina Bistek at Mary ay horror.

Sa kuwento ni Herbert, si Maricel ang nag-request sa kanya sa pelikula. “Nirekomenda ako ni Ate Cel, gusto niya akong makasama sa pelikula. Tumawag sa akin ang Viva Films, nagpunta ako sa Viva office at sinabi kung ano ang role ko. Madali lang naman itong gawin kasi one eposide lang kami ni Mary,” sabi ng magaling na comedian.

Matapang kunwari, pero matatakutin ang character na pino-portray ni Herbert. “Paborito niyang itulak ‘yung bunso niya. Ang hirap kayang magpatawa. Ang masarap dito, si Maricel… na relax ako habang ginagawa namin ang movie ,” dugtong pa niya.

Kahit dekada nang huling gumawa ng pelikula sina Herbert at Maricel, nandu’n pa rin ang chemistry ng kanilang working relationship. “Bata pa kami magkakasama na, ang dami kong TV show with her. Movie namin 2 or 3 dekada kay Mother Lily pa. ‘Yung pagiging constant, remains to be there kasi you worked sa “Maricel Live” at “Maria Maria” almost a decade na ‘yun. “Kaluskos Musmos” it’s about 5 years. “Kaluskos Balungos” is about 2 years, another 2, another 5 ang tinakbo ng show.”

Kahit hindi madalas magkita, tuloy pa rin ang communication nina Herbert at Maricel. “‘Yung friendship namin ni Mary, continuous ‘yun. Lahat ng drama sa buhay na dinaanan namin sa isa’t isa. ‘Yung concern nandu’n pa rin, especially in the first few days. We we’re communicating. Kuya na ako ngayon, pero tuloy pa rin ‘yung pagtulong namin,” wika ng comedian/politician.

May napansin bang pagbabago si Bistek kay Mary? “I think, she remain to be the same. She had her episode, nagbago ‘yung mundo niya, ‘di ba? But I think she’s done, nalagpasan na niya ‘yun.”

Dumating ba ‘yung time na humingi ng tulong si Maricel kay Herbert? “Kahit noong bata kami, kahit tanungin mo siya. Magkakapit-bahay kami, sa Cubao kami, Kamuning siya, Tomas Morato siya nakatira, Scout De Guia. Taping namin, Broadcast City, isang taxi lang kami. Nanay niya, uutang sa amin si Mama, uutang sa kanya, kay Tita Linda. Noong araw pa, there’s nothing new if we have each other, because we brought that way,” tugon pa ni Mayor.

Sa totoo lang, super proud si Mary sa lahat ng achievement ni Herbert as a public servant. “Pinagsasabihan niya ako, ingat ka delikado ang pinapasok mo. Eh, ganoon talaga,” say niya.

Sa ngayon, nai-imagine ba ni Herbert ang sarili na nasa highest position ang pagiging public servant nito? “Tingin ko, evolution kasi, ‘di ba? Ang evolution parang climbing up the ladder. When you brought in to this earth… nadapa ka, tayo ka, lakad ka uli. I mean, ganoon din siguro rito. May offer ang Liberal Party. I have a slot there, 12 naman ‘yan for 2016. Pero in Quezon City, mayroon pa akong isang term. Maganda naman ang working relationship naming lahat. Vice Mayor to all other Congressman, walang away. If we remain to be solid, wala namang papasok na iba, so we can go all for re-election… so, we can continue our last term. It’s my last term 2016-2019,” pahayag ng magaling na comedian.

Kailan magdi-decide si Herbert na tatakbo for higher position? “Hindi pa kami nag-uusap ni Speaker Belmonte. Kumuha ako ng manager sa showbiz, ang Viva. Si Boss Vic ang magma-manage sa akin. Kung maisip ni Speaker Belmonte, I want to serve the city again. Boss, balik uli ako as your vice mayor. Actually kaya gusto kong bumalik sa pelikula, it’s a relief from the stresses of a public service,” sambit pa ng butihing mayor ng Quezon City.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleRj Padilla, masaya sa magandang career ng kapatid na si Daniel Padilla
Next articleGardo Verzosa, natural ang pagiging maamo sa tao

No posts to display