MARIIN ANG paglilinaw ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na wala raw ligawang nangyari sa kanila ni South Korean Assemblywoman Jasmine Lee. Ito ang babaeng kasama niya sa lumabas na mga pictures na pinag-uusapan lately.
“I don’t even have her number. Kumain lang kami, e,” natawang pagdidiin nga ni Mayor Herbert.
“Do’n kami sa bahay ni Ambassador Hernandez. Kain tapos kuwentuhan. And then uwi. Gano’n lang ang nangyari sa amin.”
Single o eligible daw si Jasmine Lee?
“Yeah! Namatay ang asawa niya who drowned in front of her. The father (asawa ni Jasmine) was saving the child (anak ng mga ito). No’ng na-save ‘yong bata, parang na-stroke yata or something at nalunod.”
So since parehong silang single, posible kaya na maging sila ni Jasmine Lee?
“Hindi ko alam, e. I only met her once. Tatlong oras lang kaming nagkasama no’ng kumain nga kami sa bahay ni Ambassador Hernnandez (Philippine Ambassador to South Korea). Ni hindi ko nga alam ang number niya. Email niya, hindi ko rin alam.”
Pero maganda ito, ‘di ba?
“Kamukha siya ni Alma Moreno. Kamukha talaga ni Alma Moreno. Okey naman. I mean… Pilipina, e. At saka brilliant. Magaling magsalita. And kamukha nga siya ni Ness (Alma Moreno) actually. Kaya nga gusto kong ireto kay Joey Marquez, e!” natawang biro pa niya.
Hindi siya interesado kay Jasmine? Kaya walang follow up na magkita ulit sila?
“Hindi ko talaga alam ang number niya.”
Kasabihan na… if there’s a will, there’s a way?
“Wala siyang card (calling card). Wala rin akong card.”
Puwede naman silang magkuhanan ng number kahit wala silang dalang calling card, ‘di ba?
“Wala, e. It’s purely for international relations. It’s purely relationship between Philippines. And siya ang nagri-represent sa mga Pinoy… actually, multi-cultural. Kasama ko ‘yong ibang mga konsehal. Kasi nando’n kami to represent Quezon City. Nando’n din ako as President ng mga cities sa Pilipinas. So… ‘yon lang. Do’n lang kami nagkakilala. And we’re just so proud na Pinoy ang nagri-represent sa iba’t ibang lahi na nagtatrabaho sa South Korea. Parang gano’n lang ang topic namin no’ng nagkausap kami.
“Si Jasmine is ano… she’s a very nice person. And proud lang ako sa mga Pilipino na nag-i-excel sa ibang bansa at kinikilala. So I’m just proud of her. Malaking bagay ‘yon para sa atin.”
Wala talagang ligawan na nangyari kagaya ng napapabalita nga?
“Kumain lang nga kami, e. Kung sa bagay din, ang nangyari no’ng nakaraan, ‘di ba?” Pagtukoy niya no’ng nagsimulang ma-link sila ni Kris Aquino nang makipag-dinner siya sa pamilya nito na kasama rin si Pangulong Noynoy Aquino.
Marami talaga ang nakaantabay kung sino ang babaeng sunod na mauugnay sa kanya. O kung sino ba ang kanyang pakakasalan.
Wala na ba siyang planong mag-asawa na ‘yong magpapakasal talaga siya?
“Hinihintay ko lang muna si Bossing (Vic Sotto). Mauna muna siya!” natawang biro ng actor-politician.
Balitang malapit nang ikasal si Vic sa girlfriend nitong si Pauleen Luna?
“O, e ‘di… malapit na rin!” tawa na naman niya.
Ngayong Martes, May 12 ang kaarawan niya. Pero noong Biyernes, May 8 ay nagkaroon siya ng advance celebration sa Annabel’s Restaurant sa Morato, Quezon City.
Kasabay nito ay ang ceremonial signing ng contract niya sa Viva Films, kung saan may ginagawa na siyang pelikula ngayon kasama si Maricel Soriano. Isa itong trilogy na may pamagat na Lumayo Ka Nga Sa Akin.
Sa kontratang kanyang pinirmahan ay nakasaad na ang Viva ang mamamahala ng kanyang movie career.
“It’s a five year managerial contract. Tapos four movies na naka-spread in three years. Maganda ‘yong movie. Trilogy na… ipapasok ang horror, action, at saka romance comedy naman ‘yong isa. Sina Benjie Paras at Candy Pangilinan sa unang episode, tapos kami ni Maricel sa second, and then Anne Curtis, Dennis Trillo and JM de Guzman sa third. Nakakatuwa. Si Maricel was the one who requested na… si Herbert gusto kong makasama. So, thank you. Malaking bagay po na napili ka ni Ms. Maricel Soriano.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan