MULING NAGBALIK sa kanyang orihinal na movie outfit (Viva Films) ang mabait at masipag na Quezon City Mayor na si Herbert Bautista .
Limang taon at apat na pelikula ang pinirmahan ni Mayor Herbert sa Viva Films, kung saan ang kanyang unang gagawing pelikuka ay ang Lumayo Ka Nga sa Akin, kung saan kasama niya si Maricel Soriano.
Tsika nga nito, “Trilogy ito, I think second episode ‘yung sa amin, excited din ako. Although hindi ko makakasama sina Anne Curtis, eh magiging bahagi ako, kasama ng mga bagong artista sa ngayon.”
Kasama raw ang pelikula sa co-production venture na pinirmahan ng Heaven’s Best Entertainment, na mina-manage ni Harlene, at ng Viva.
Saad pa ni Mayor Herbert, “Si Harlene, she signed a contract with Viva, a co-production venture, I think mga four or six movies. I think that includes itong Lumayo Ka Nga Sa Akin.”
Nakakailang shooting days na sila?
“I think nag-third day na kami ni Ate Cel. So, hopefully, by the end of May, tapos na, only on weekends, eh. Masaya, kaya lang inaabot kami ng gabi dahil horror, lahat ng mga kalokohang horror [spoof] ng mga kilala natin, like Feng Shui… mga ganun, ” pagtatapos ni Mayor Herbert .
Serye nina Joyce Ching at Kristoffer Martin, napapanahon
VERY TIMELY ang pagpapalabas ng inaabangan ng serye sa GMA 7, ang Healing Hearts, na pinagbibidahan ng balik-tambalan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching na simula na ngayong araw, May 11, sa Afternoon Prime, dahil kakatapos lang ng Mother’s Day.
Ang Healing Hearts ay kuwento ng isang inang nagmamahal sa kanyang anak at ang pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina. Kaya naman maraming mga Filipino mothers at mga anak ang dapat tutukan ang seryeng ito.
Makasasama nina Joyce at Kristoffer sa Healing Hearts sina Angelika Dela Cruz , Ken Chan, at Krystal Reyes.
MTV ng “Sa Kanya Ba” ni Rafael Centenera, mapanonood na sa Youtube
MASAYANG IKINUWENTO ng Pinoy international singer na sumikat nang husto sa Malaysia na si Rafael Centenera ang pag labas ng kanyang kauna-unahang MTV sa bansa, ang “Sa Kanya Ba” mula sa kanyang self-titled album “Rafael Centenera”.
Kuwento nga nito, “Masarap ‘yung kumakanta ka ng awitin sa wikang Banyaga. Pero iba pa rin kapag awiting Pilipino ang inaawit mo.”
Dagdag nga ni Rafael, dream come true ang pagkakaroon niya ng album sa Pilipinas na all original compositiion mula sa music icon na si Vehnee Saturno .
Halos lahat nga raw ng awitin nito sa kanyang album ay kanyang ipo-promote, at ang “Sa Kanya Ba” ay ang kanyang 4th single na kanyang pino-promote .
Balita rin ni Rafael na magkakaroon siya ng show sa Amerika bago matapos ang taon. Mapanonood na raw sa kanyang Youtube account Rafael Centenera ang MTV ng “Sa Kanya Ba”.
John’s Point
by John Fontanilla