OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo. Pero ngayon, hindi chikka ang ichi-chikka ko kung hindi pawang nararamdaman ko lang kung bakit naging ganu’n ang pangyayari. Talagang mabubuwang ako sa mga kaek-ekan ng mga pulitiko ngayon, lalo na rito sa Quezon City. Kasi, bago mo nakausap ang mayor, napakarami mo pang dadaanan na kakausapin bago ka niya maharap.
Bakit, ‘kamo? Kasi nu’ng nagkasakit ang ina ng mga anak ko, humingi ako ng tulong sa magkapatid na Bistek (Herbert Bautista) at Harlene Bautista. Alam kong hindi nila ako bibiguin, kasi itinuturing ko silang mga anak. Pero sad to say, napudpod na ang kuko ko sa text at tawag kay Harlene para humingi ng assistance sa Bernardino Hospital sa Novaliches, wala man lang reply or sagot sa akin, hanggang sa nakalabas na ang pasyenteng na-operahan sa gall bladder. Major operation ‘yun, kaya kahit papa’no, hindi ako nagdalawang-isip na humingi ng tulong kay Harlene dahil alam kong siya ang malapit na kapatid ni Bistek, at makararating agad sa kanya ito.
Ito ang nangyari. Nagpapagaling na sa bahay at nakalabas na sa ospital saka nag-reply si Harlene. Ito ang kanyang sagot, hindi sa akin, kundi sa pasyente mismo.
“Gud pm mam requirements po natin sa medical assistance personal letter, medical abstract, copy po ng hospital bill, certification of indigency sa barangay po nakukuha un. pag ok na po sa office pahanap ako mam. at ang isa wala po si kuya. ito po yung txt sa office ni bistek, pasensya na po late reply. God bless po.”
Ang nakakaloka, matagal nang nakalabas ang pasyente saka pa lang nag-reply. Isa pa, parang walang tiwala sa akin, kasi ang dami pang requirements ang hinihingi samantalang nu’ng kumakandito siya, halos araw-araw tumatawag sa akin si Tintin (RIP), auntie nila na dating secretary ni Bistek. Iyon, madaling kausap, wala na ng kung anu-ano pang hinihingi at madaling kausap. Samantalang ito ngayon na kahit papa’no may naitulong naman ako sa kanila nu’ng nag-uumpisa pa lang sila. Kahit itanong pa kay Romnick Sarmienta kung sino si Tita Swarding sa kanila, at si Mommy Baby (RIP) na rin, kasi itinuring ko silang hindi iba.
At sa totoo lang, lumalapit lang ako sa mga taong maasahan ko na hindi ako pahihiyain. Talagang iba na ang nagagawa ng kapangyarihan. Sometimes nakakalimot na sa mga taong nakatulong sa kanila. Sabi ko nga, sayang nga naitulong ko sa kanya.
Kaya malapit na ang eleksyon, sana kumandidato ulit si Mike Defensor, kasi tama naman talaga ang mga binibintang niya kay Bistek. Sa bagay, aywan ko kung nakararating ito kay Mayor Bistek. At kung makarating man, sana ‘wag ni-lang masyadong pahihirapan ang mga tinutulu-ngan nila, lalo na ang mga may sakit sa Quezon City.
Buti pa sa Maynila, hindi ako taga-Maynila pero ang daling lapitan ni Mayor Lim. Siya mismo ang humaharap. Pero si Bistek, ‘pag oras ng pagtulong, ang sagot wala siya sa office. Anyway, iyan ay babala sa mga taga-Quezon City na suriin n’yong mabuti ang mga kandidatong lumalapit sa inyo para iboto sila. Kasi, kailangan lang kayo ‘pag eleksiyon, pero ‘pag nakaupo na sila, wala na kayong maasahan, tulad ng pamilya Bautista.
Hindi lang naman ako ang nakapapansin ng pagbabago sa Quezon City, lalo na ang mga kawawang mahihirap na lalong naghihirap. Kaya dapat mag-isip-isip itong si Mayor Bistek na maibalik ang tiwala sa kanya ng mga taong nagtiwala sa kanya. Kasi ang iba, tulad ko, nawalan na ng tiwala sa kanya.
At hindi ko rin matiis ang mga narereklamo sa akin na mga taga-Quezon City, na marami ang nagpupunta sa bahay ko para manghingi ng tulong, na bakit hindi sila agad matulungan. Kaya kahit papa’no para makatulong ako, inire-refer ko na lang sa Manila City Hall. Kasi kahit papa’no, hindi ako mapapahiya.
Kaloka naman ‘teh! Hahaha! Ganyan talaga ang buhay. Isinulat ko lang ito para makarating kay Mayor Bistek kung ano ang mga pinaggagagawa ng mga staff niya. Pak na pak!
KALOKA NAMAN! Habang ginagawa ko itong write-up ko, naloka ako sa laban ni Manny Pacquiao na biglang split decision. Si Bradley ang nanalo. Nakakaloka naman!
Hindi kaya malas si Jinkee Pacquiao? Hindi kaya dahil sa relihiyon niya ito? Kasi parang napansin ko na ‘pag nakakasakit na siya, tumitigil na siya, hindi katulad nu’ng laro niya noon na pulido.
Naku po! Malungkot lahat ng Pilipino sa pagkatalo niya. Pero kahit papa’no siyempre, para sa mga Pinoy, siya pa rin ang panalo sa boxing. Kaloka naman to the highest level!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding