Wala pa man isang buwan na nakauupo bilang bagong Mayor ng Ormoc City, ipinamalas na kaagad ni Richard Gomez ang kanyang mga plano para sa kanyang lungsod at sa kanyang constituents.
Kung maaalala pa na isa sa rason kung bakit gusto niyang maging public servant sa Ormoc ay para makatuwang ang misis niya at matulungan din siya as congresswoman ng 4th District ng Leyte na sakop ang Lungsod ng Ormoc sa mga proyekto nito, at kabilang na nga rito ang 9-kilometer road project sa Brgy, Gaas patungong Brgy. Quezon, Jr. na pinasinayaan nilang mag-asawa noong isang araw.
Feedback nga sa amin ng kaibigan na taga-Ormoc na si Marianne Tismo, marami na talaga ang may gusto noon pa man na si Goma na ang mamuno sa Ormoc, dahil alam nila na kumikilos at gumagawa at hindi lang puro salita at photo-op.
Bukod sa pagpapagawa ng kalsada, mayroong sports and health program si Mayor Goma para sa kanyang constituents at kabilang na nga rito ang free Zumba classes na isinasagawa on a regular basis.
Isa sa inaabangan ngayon ay ang magandang pagsisisimula ng Lake Danao development project ni Mayor Richard para makatulong nang malaki sa eco-tourism ng Ormoc City.
Bukod sa kanyang paglilingkod sa Ormoc, siyempre hindi pa rin nakalilimutan ng aktor ang kanyang passion sa art, at isa na nga rito ay ang pagpipinta na recently lang ay may natapos siyang artwork na regalo niya sa kanyang misis with a caption: “A painting I made for @lucytgomez the significance of 2016”.
Ang mami-miss talaga ng publiko at ng fans ni Mayor Richard Gomez ay ang kanyang pagiging aktibo sa showbiz (both of them won sa recent election at marahil landslide sa boto).
But for now, lie-low muna malamang ang aktor sa showbiz at kasisimula pa lang niya officially sa kanyang trabaho as mayor of Ormoc City. Good luck and more power sa paglilingkod-bayan, Goms! Padayon!
Reyted K
By RK VillaCorta