GINANAP ANG Pangisdaan Art Exhibition in celebration of the 109th Navotas Day nitong nakaraang January 20, 2015. Ang mga featured artists ay sina Angel Cacnio, August Santiago, Chris Magbuhos, Ernie Patricio, Joe Hombrebueno, Roland Rosacay, at Rolly Ortega. Ang panauhing pandangal ay si Hon. Mayor John Reynald M. Tiangco, ang alkalde ng nasabing lungsod.
Ito ang ating panayam kay Mayor.
Kumusta ano ho ba itong mga project ninyo?
“Meron po tayong para sa kalusugan at meron na po tayong mga center sa iba’t ibang barangay. Kaya lang ‘pag nagkasakit po sila, kailangan po nilang pumunta sa mga lungsod na malalapit po riyan, sa Caloocan. Siyempre, medyo marami na ring population dito sa Navotas at para hindi na rin tayo mahirapan, gusto po nating magkaroon ng sariling hospital po rito,” turan ni Mayor Tiangco.
Mga ilan na ba ang populasyon natin dito, Mayor?
“Ah… mga 250,000 po, marami-rami. So, ito po ang kauna-unang ospital na itinayo rito sa ating lungsod. Ah, 50-bed capacity. ‘Yun muna pero hopefully kaya pa naman po ‘yan, ah… sa mas maraming pang kama.”
Ang kanyang mga tinuran ay tungkol sa pasilidad ng bagong itinayong hospital. Sa bukana ay mayroon na ng exhibit area para sa mga paintings na siyang gallery ng hospital upang ma-encourage ang may talento sa larangan ng arte. Ayon sa kanya ay masusi niyang pinag-aaralan at ng kanyang departamento upang pagtuunan ang mga iba’t ibang karamdaman at mga sakit katulad ng OB-Gyne, Pedia, pa-anakan, ‘yung sa may hypertension, at iba pang mga sakit. May mga clinic dito para sa mga nagnanais magpakonsulta.
“Well, ah’ syempre, marami po tayong pinapakinggan, pinag-aaralan, at saka nag-observe po sa tayo sa iba’t ibang bansa, sa iba’t ibang syudad. Opo! Dahil ang Navotas po ay kinikilalang Fishing Capital ng Pilipinas, so karamihan po rito ay nabubuhay sa pangisdaan o kung hindi naman ay ‘yung mga related sa pangisdaan, tulad ng paggawa ng lambat, ng yelo, storage, o kaya naman ay iba’t ibang processing ng mga pagkain gaya ng mga patis, bagoong, mga de lata… ‘andito rin po, so lahat po ng related, ‘andito din po.”
Mayor sa tingin ko, tayo rin, ang Navotas ang nagsu-supply ng isda sa buong Metro Manila.
“Opo! Dahil dito po binabagsak lahat ng isda. Hindi lang po isda, pati din po seafoods, dito po sa fishport natin. Tapos dinadala po sa iba’t ibang lungsod, iba’t ibang baryo, lalong lalo na po rito sa Luzon.”
Bahagi rin ba ang road project, parang pinapaayos ‘ata.
“Opo, tuluy-tuloy po ang pagsasaaayos ng mga kalye po natin. Lalung-lalo na po ang mga drainage po natin, inaayos po natin ‘yan at siyempre, tabi po tayo ng ilog, tabi ng dagat. Ang ginagawa rin po natin ay itinatayo rin po natin ang dike at meron na po tayong 40 pumping station, kaya ‘pag umulan, ibobomba na lang po natin ang mga tubig palabas ng dike. At kasama na rin dito ang paghahanda kung sakaling may tag-ulan at kung may storm surge.”
Napakabatang mayor ni Mayor Tiangco at may itsura siyang lalaki, hahaha! Napatawa lang si Mayor ng sinabi ko ito. Sa edad na 42, aniya, kanyang napangasiwan ang kanilang mga business. Dagdag pa niya ay pangatlong henerasyon na siya ng kanilang angkan at kanilang mga negosyo. At napagkatiwalaan naman siya ng kanilang mamamayan ng Navotas nang mapili siya bilang alkalde; bagaman, galing siya sa angkan ng pulitiko.
“Hindi po, actually ayaw po ng mga magulang namin na nasa politika po tayo, sir.”
Nais ng Mayor ng Navotas na maging mataas ang pananaw ng kanilang mamamayan tungkol sa pag-unlad, maging ang kanilang kabataan ay mahasa ang creativity. Ayon sa aking mga napagtanungang mga karaniwang mamamayan ng Navotas ay sadyang mabait itong si Mayor Reynald Tiangco.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Email: [email protected] Cp. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia