SA TOTOO LANG, hindi ko alam na ganun pala kalakas ang tambalang Maymay Entrata at Edward Barber na reason why sinugalan agad sila ng Star Cinema ng pelikula na “Loving in Tandem” na showing na this September.
Sa mga out of town shows ng dalawa, hataw ang mga fans na nabuo nila habang nasa loob sila ng bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother.
Sa movie ng MayWard, makakasama nila ang isa pang love team na nabuo rin sa PBB na sina Kisses Delavin at Marco Gallo better known as KissMarc (hindi chikinini huh!).
Ang first movie ng dalawang love teams ay ididirek ni Giselle Andres isa sa mga TV Director ng ABS-CBN at Star Cinema na nahasa sa telebisyon as an assistant director sa mga shows like: Pangako Sa ‘Yo in 2015, Mundo Man ay Magunaw in 2012, E-boy in 2012, Maria la del Barrio in 2011 and Imortal in 2010.
Si Direk Giselle ay naging assistant director din sa mga pelikula ng Star Cinema tulad ng Past Tense in 2014, Once A Princess in 2014 Starting Over Again in 2014, Four Sisters and a Wedding in 2013 and It Takes A Man and a Woman in 2013 na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.
Sa trailer ng movie ng dalawa, dahil hindi matatas sa pananagalog ang binata, “dowa” (read: boyfriend/girlfriend) ang salitang nabitawan ng binata nang magpakilala siya sa isang eksena ng pelikula na para sa mga fans ng dalawa. Super nakakakilig!
After the long wait kung kailan na ang showing ng pelikula ng dalawa, ibinalita ng Star Cinema later this week na sa September 13 na ipapalabas ang super kilig movie ng MayWard with the support of KissMarc.
Masaya ito. Knowing Edward na bulol at hindi pa matalas managalog, for sure ay playtime na naman ang binata.
Reyted K
By RK Villacorta