Media, nabastos sa OA na security sa isang event sa Batangas!

HINDI PA man nagiging kontrobersiyal muli si Mo Twister, masasabing “prophetic” ang inani nitong angkop at nakakatawang bansag mula sa kanyang Paparazzi co-host na si Cristy Fermin bilang “Boy Laglag”.

Based on its literal meaning, naging tampulan ng matinding pang-ookray  si Mo sa naturang programa as the “playing safe” Mr. Gossip na bawal kantiin ang kanyang personal na buhay, pero kinakalkal naman nito ang kapribaduhan ng mga pinapaksa nilang artista. Worse, Mo would rather see his co-hosts bear the brunt of it all, habang hugas-kamay siya in an attempt at self-immunity.

Hence, his appropriate monicker, na sino pa ba naman ang may malikhaing pag-iisip na makababansag ng Boy Laglag kay Mo kundi si Cristy?

But it’s a redundancy of sorts given Mo’s present dilemma. Inilaglag niya kasi ang dating nobyang si Rhian Ramos sa isyu ng umano’y pagpapalaglag nito ng kanilang anak.

SINAMANTALA NG three major TV networks ang panakaw na pagkakataong makorner si Batangas Governor Vilma Santos-Recto nitong Miyerkules in celebration of the annual Ala, Eh Festival held in Calaca.

Nagiging pahulaan kasi lately as to which of the three stations is Ate/Gov. Vi’s next destination, saan nga ba?

“Alam n’yo, sampung taon din akong nagtrabaho sa GMA, and the station took care of me. Nu’ng ipinagbubuntis ko na nu’n si Ryan Christian, hindi pa man expired ang contract ko, they allowed me to give way to my pregnancy. As regards ABS-CBN, du’n actually ako nagsimula. Hindi pa  ‘yun ‘yong D’Sensation days, ha? I was nine years old when I did Larawan ng Pag-ibig. Then the past years, gumawa ako ng movie sa Star Cinema,” at this juncture ay minamadali na ng Voices & Rhythms (pamagat ng grand finals ng singing contest that marked the province’s foundation day) staff ang aktres-pulitiko na bumalik sa entablado to proudly announce that she commissioned topnotch songwriter Vehnee Saturno to compose “Batangas Song”.

These days, maugong ang balitang sa TV5 na mapapanood si Ate Vi. “I won’t deny na nakikipagmiting ako kay MVP (Manny V. Pangilinan) for possible projects with TV5. Nandiyan ang movie, a show and an ad. Pero gusto ko kasi, eh, nakalatag sa akin ang project bago ko tanggapin. In the meantime, dito muna ako sa aking paglilingkod sa mga Batangueños,” she humbly said.

Ikinagalak din ni Gov. Vi ang parangal mula sa Department of Local and Interior Government (DILG) dahil hinirang na outstanding ang kanyang panunungkulan sa buong lalawigan on the merit of transparency. “Natutuwa ako sa karangalang  ‘yon, walang inilayo ‘yon sa aking trabaho bilang artista na nakatataba ng puso kung ika’y mananalo ng tropeo for your performance,” aniya.

Back to the event, for sure, hindi aware si Calaca Mayor Nas Ona sa O.A. na pagpapatupad ng seguridad bago pahintulutang pumasok sa kanilang munisipyo. With the procedure that the security personnel implemented, it made life too difficult for the media who travelled nearly three hours from Manila only to be rudely treated that way!

Imagine, may network ID na kami’t lahat, ayaw pa rin kaming papasukin ng mga nakatalagang guwardiya sa entrance ng munisipyo. Worse, ang isa pang staff doon wearing a light blue uniform reasoned out na direktiba raw ‘yon ng probinsiya (take note, hindi ng bayan ng Calaca) kaya ganu’n sila kahigpit.

So, what were these stupid security staff trying to imply, kautusan ‘yon na mula kay Gov. Vi?! Excuse me, the media was there upon the lady governor’s invitation, and if Ate Vi only knew it, tiyak na sabon ang aabutin ni Mayor Ona sa mga walang-kuwenta’t bastos nitong guwardiya!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKristine Hermosa at Oyo Sotto, excited na sa paglabas ng kanilang babay girl
Next articleRyan Agoncillo, gustong personal na humingi ng tawad sa nakaalitan sa trapik

No posts to display