WHEW! BALIKTAD na naman ang daigdig ko, wala sa oras ang tulog at gising. Ang umaga ko ay gabi at ang gabi ko ay umaga. Mas masarap ang magsulat sa gabi, mag-research sa Internet, magbasa ng mga information tungkol sa mga pangyayari. Informative at bad news sa ating kapaligiran at maging ng Inang Kalikasan.
Maging sa pagpipinta sarili mo, ang iyong daigdig at oras, doon ay kaulayaw mo ang ilang oras na musika at ang mga nakalipas na panahon. Sa pamamagitan nito ay maaaring maglalakbay na kasama ang iba’t ibang uri ng mga huni sa paligid katulad ng mga ibon, mga kuliglig at mga tunog sa madaling-araw.
‘Pag may business meeting ako, tiyak na importante at interesado ako sa aking kausap saka ako lalabas. ‘Pag hindi, naiisip ko lang na baka maistorbo lang ang aking daigdig.
Nag-meet kami ng isang kilalang artist magician na si Arnold A. Allanigui na mas kilala bilang ‘Amazing Arnold’ sa Alabang Town Center. Marami kaming topics na napag-usapan.
Ayon sa kanya, nagsimula siya maging interesado sa patatanghal noong gusto niyang alamin kung papaano ginagawa ang Art of Magic tricks. Bandang huli ay natutunan at nagustuhan niya ito. Kaya napagpasyahan niya itong ipagpatuloy. Dahil dito ay naging paraan din niya ito upang magamit sa kanyang pagiging misyonaryong Kristiyano.
Hangang sa maging career niya ito at makilala siya bilang tanyag sa kanyang larangan sa sining. Ginagawa niya ang pagtatanghal sa maliliit at malalaking eksklusibong mga kumpanya, sa mga TV Networks, kung saan may nagdaraos ng mga party events gaya ng mall shows, church events, birthday parties, mga celebrity shows, at magkakaibang conventions sa buong Asia na kadalasang sponsored naman ng international organizations.
Ayon pa sa kanya, siya ang kauna-unahang Pilipinong miyembro ng respetadong club sa Amerika na “Fellowship of Christian Magician International” na established mula pa noong 1953.
Nang June 8, 2011 ay naging board member din siya ng isang prestige organization na may ngalang “Papetirs Club International Philippines”.
Dagdag naman niya ay ginagawa rin niyang magbigay ng serbisyo sa inaakala niyang makatutulong sa daigdig ng arte katulad ng mga gospel, magic stage & close up magic, ventriloquism, event hosting, acting, photography, and directing.
Isang talented wise deal investor itong si Arnold hindi lamang sa kaalaman kundi kung papano niya i-market ang kanyang talent sa ngalan ng performing arts. Aniya ay maaring mag-direk pa siya sa pelikula sa ibang bansa kung ito ay maiayos na niya ang nasabing malaking intenational film project.
BILANG ALAGAD NG PANULAT SA PUBLISIDAD
SA KATULAD kung isang manunulat sa larangan ng nasabing (hypernym) piece of writing o art of writing. Minsan ‘di maiwasan ang bagay na magkamali marahil sa hindi perpektong sistema ng larangan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng printing o broadcasting or media coverages.
Subalit ang katulad namin ay nanatiling matatag at naninindigan sa paniniwalang ang aming mga ginagawa at inuuulat ay may mga basehan sa dahilan ito ang aming piniling trabaho.
May iba’t ibang pamamaran ng pagsusulat na maaaring bahagi na ito mula sa sariling paniniwala at pananaw. Dahil dito maaaring ang tama sa pananaw ng nagsulat ay maaring sa iba namang paniniwala ng nakakabasa ay matatawag nating destructive at constructive criticism.
Maaaring mauwi sa iba’t ibang argumento o diskusyon, ngunit iisa ang aking paniniwala – ang aking panulat ay dalawa lamang ang aking ginagawa: una ay pagsusulat para makapagbigay tamang pananaw upang magkaroon lalo ng tiwala ang isang tao; at ikalawa, isang kritisismo pero para sa ikakabuo ng magandang sistema ‘constructive criticism’ upang makatulong sa mga bagay na inaakala kong dapat, at para bigyan pa ito lalo ng pagasa.
Para sa ano mang komento. email: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia