HANDOG ng Viva Films ang pelikulang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story) na isang true-to-life story ng real-life rape and murder case victim ng magkapatid na Chiong sa Cebu 21 years ago.
Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Donnalyn Bartolome bilang Marijoy at Meg Imperial bilang Jacqueline.
Naging very controversial ang nakakaantig na istorya ng magkapatid at kung gusto ninyong malaman kung ano ang totoong nangyari sa kanila, panoorin ang pelikula sa July 18.
Ang anak ni Direk Carlo J. Caparas na si Ysabelle Peach Caparas (Direk Peach) ang naatasang magdirek ng movie. Ito rin ang kanyang directorial debut.
Assistant director niya naman ang amang si Carlo J. na siya ring sumulat ng script ng pelikula.
Sa istorya ng Jacqueline Comes Home, ang magkapatid ay ordinaryong dalaga na may mapagmahal na pamilya. Ngunit ang pagiging ordinaryo ng kanilang buhay ay natapos noong July 16, 1997.
Sa maulang gabing iyon, dinukot ang magkapatid mula sa waiting shed kung saan nag-aabang sila ng masasakyan pauwi. Dinala sila sa liblib na lugar at doon pinagsamantalahan ng anim na kalalakihan. Namatay si Marijoy ngunit masuwerteng nabuhay si Jacqueline.
Kasama rin sa pelikula sina Joel Torre, Alma Moreno at Gabby Eigenmann.
La Boka
by Leo Bukas