Suwerte-swerte lang talaga ang paghahanap ng makare-relasyon. Hindi lahat ay successful sa kanilang online search for love or relationship. ‘Yong iba, kadalasan ay nauuwi sa wala, kasawian, at panloloko. ‘Yong iba, kung hindi sa social media nagpo-post ng “love” search nila, ang mga hitad na gustong magka-boyfriend or girlfriend, sa mga social networking application like Tinder nagme-member para magbakasakali makahanap ng partner na pang-forever.
Sa kaso ng magaling na komedyanteng si Cai Cortez, sa Tinder niya nahanap ang Algerian boyfriend niya na rito sa Manila naka-base because of work na nauwi sa kasalan at heto’t ama ng kanilang baby. Happy family, ‘ika nga. Pero hindi lahat ay sinusuwerte.
Ito ang kuwento ng pelikulang “Swipe” ng sexy star na si Meg Imperial who plays the role of Janet na ang kasal sa mister na si Edward played by Alex Medina ay nasa bingit na mauwi sa hiwalayan dahil sa pagiging selosa ni misis. Lalong siyang mahaharap sa mas malaking problema nang subukan niyang maghanap ng kaibigan thru an online “dating-friendship networking”.
Personally, nasubukan na ni Meg na sumali sa isang online dating-friendship network tulad ng Tinder.
“Out of curiosity lang ay sinubukan kong mag-Tinder,” sabi niya.
‘Yong unang subok niyang mag-Tinder ay hindi naging effective dahil ‘yong naka-chat niya, hindi naman ganu’n ka-aggressive para i-prolong ang tsikahan nila at getting-to-know stage, kaya napunta sa wala ang unang subok niya. Hindi nag-prosper, ‘ika nga.
Pero may risk ang pagsali at paghahanap ng “friends and romance” sa online dating sites.
Kuwento ni Meg, “Dapat mag-ingat din tayo always in giving our personal information. Hindi kasi lahat ng nakikilala mo lang online ay totoo,” sabi niya.
Maraming mga scam at krimen na nagsisimula sa online chat or networking.
Timely ang pelikulang “Swipe” lalo pa’t ang dami pa rin ang mga naloloko (sa love at negosyo) sa mga nakikilala nila online.
Sa pelikula, bukod kina Meg at Alex, makasasama ng dalawa sina Mercedes Cabral, Luis Alandy, Ma. Isabel Lopez, at Gabby Eigenmann who plays a gay executive na mahilig maghanap ng “friends” online.
Palabas na sa darating na Wednesday, February 1, ang “Swipe” at produced nina Paolo Fernandez and Arnold Argano for Aliud Entertainment and directed by Ed Lejano.
Reyted K
By RK VillaCorta