HINDI KAWALAN si JM de Guzman. Ito ang statement dati ni Meg Imperial na tumatak daw sa isip ng marami.
Napabalita kasi dati na nagkaroon sila ng espesyal na pagtitinginan ni JM, pero naudlot ito dahil nagkabalikan ang aktor at si Jessy Mendiola.
“Hindi po kawalan meaning…hindi po siya negative e,” paglilinaw ni Meg. “I mean, before po siya pumasok sa life ko, buo na po ako, e. So, no’ng nawala siya, buo pa rin po ako. So, hindi kawalan.”
Ibig niyang sabihin no’ng nawala, talagang pumasok si JM sa kanyang buhay? They had a relationship? “No po.”
Pero nanligaw sa kanya ang aktor? “Siguro… parang gano’n po.”
Hindi natuloy ang panliligaw dahil nagkabalikan sina JM at Jessy Mendiola?
“Hindi naman po ano… maybe because of… not because of Jessy. Siguro hindi rin talaga nag-swak ang ano… “
Nagkita silang tatlo sa concert ni Katy Perry. How was it?
“Awkward at first. That was the first time na nakita ko sila together. Medyo awkward. Pero… nagbatian naman po kami.”
There was no conversation? “Not really naman po. Kasi nasa likod ko sila no’n.”
Is she hoping na magkaroon sila ng pagkakataon na magkausap talaga nina JM at Jessy? “Yes naman po. I’m open to it naman po.”
Is she open to a relationship now? “No. Iyon po ang least priority ko now. “Kasi ako, po ang breadwinner sa family. So, work po muna.”
May bagong pelikula ngayon si Meg. Ito ay ang Chain Mail, isang horror film na idinerehe ni Adolf Alix.
“‘Di ba po noon ‘yong chain message na nakakatakot. Na kailangan ipasa mo sa mga kakilala mo. Ngayon ano na po… sa Internet na. Do’n na kumakalat ‘yon. Ito namang sa Chain Mail, video naman po. So, ‘yong ita-tackle namin dito… aalamin namin kung saan ito nanggaling, kung ano ba talaga ang nangyari, at bakit ito curse. This is showing po on July 22. Kasama ko po dito sina Nadine Lustre, AJ Muhlach at marami pa pong iba.
“May premiere po kami nito on July 21. Sa Cinema 7 po ng Megamall.”
May ginawa rin daw siyang episode sa Ipaglaban Mo na ipinalabas last Saturday, July 11.
“Kasama ko naman po dito si Edgar Allan Guzman. About po ito sa isang babae na na-rape po siya, pero hindi po siya pinaniniwalaan ng tao dahil po sa reputasyon niya.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan