AYON sa Sana All lead star na si Meg Imperial, kailangang mahalin muna ang sarili ng 100 percent bago ka magmahal ng ibang tao. Ito raw ang love advice na sinusunod niya para sa sarili.
Aniya, “For me, ang isang advice na sinasapuso’t isip ko talaga is you love yourself 100% ’cause if not, kunyari mahal ko lang yung sarili ko ng 30% and then someone pumasok sa buhay ko and minahal ako ng 40%, that’s not enough pa rin.
Always love yourself 100% so that pag may dumating na tao [para sa’yo], i-pu-push niya ’yong sarili niya to reach 150 or 200% and that’s what you deserve,” paliwanag niya.
Sa romance-drama na Sana All kung saan leading man niya ang kaibigang si Arvic Tan ay gagampanan ni Meg ang papel ng isang babae na sumugal sa pag-ibig at nag-take ng risk para maka-move-on.
“Sa buhay daw, para maka-move on, kailangan sumugal, kailangan mag-take ng risk. Pag dating sa kahit ano, not just in relationships with your loved ones, kahit sa pamilya, kailangan natin mag-take ng risk kasi hindi tayo makaka-move forward, hindi natin matututunan ang mga bagay-bagay if magse-stay lang tayo sa past, sa mga experiences natin,” lahad ng dalaga na umaming may non-showbiz na karelasyon ngayon.
“We need to use that, ’yung hardship natin from the past, to move on and lesson ’yon, eh. Hindi natin siya pwede gamitin as failure, as negativity. Use it in a positive advantage of yours na parang magiging way mo siya to be better on the next decision na gagawin mo in your life,” dagdag pa niya.
Leading man ni Meg sa Sana All si Arvic Tan. The film is produced by Viva and BluArt Studio at ipapalabas na sa mga piling sinehan simula February 5 at sa Viva’s digital streaming platform na Vivamax.