Megan Young, ‘di niligawan ni Joem Bascon – Julie Bonifacio


ITINANGGI NI MEGAN Young sa launching ng Jellybean na ini-endorse nila ni Maja Salvador  na niligawan siya ni Joem Bascon bago ito napunta kay Meryll Soriano. Nagkaibigan lang daw sila ni Joem  gaya ng ilang kasamahan niya sa I Love Betty La Fea.

Love na love daw niya si Meryll  kaya super explain na agad siya sa amin na hindi nagkaroon ng romantic involvement sa  kanila ni Joem. Happy nga raw siya nu’ng mabalitaan niya na super close ngayon sina Meryll at Joem. It’s about time raw na  maging happy naman si Meryll after ng nangyari sa relasyon nila ni Bernard Palanca.

Okey naman daw si Megan at ang kanyang non-showbiz friend. Kaya lang, ayaw nang magkuwento ni Megan ng detalye about her non-showbiz boyfriend dahil isa raw itong pribadong tao.

ON THE OTHER hand, inspired magtrabaho ngayon  ang co-Jellybean endorser ni Megan na  si Maja para may pambili daw siya ng appliances para sa bago niyang bahay sa Filinvest. Hindi pala itinuloy ni Maja ang  pagbili sa kasalukuyang tirahan nila ngayon.

Ayon sa ina ni Maja, hindi raw binigay sa tawad nila na P4.5 million nu’ng may-ari ng bahay kahit sila pa ang gumastos sa pagpapa-renovate nu’ng buhay. Gusto ng may-ari ay bilhin nila angn bahay sa halagang P5M.

Kaya naghanap na lang  sina Maja ng ibang bahay at  nakakita naman sila sa Filinvest worth P10M. Nakapag-down na raw sila ng kalahati at huhulug-hulugan na lang niya ang natitira. May anim na kwarto raw ‘yung bahay.

Ayaw pa munang tirhan ni Maja ang bahay. Palilipasin daw muna niya ang buwan ng Agosto. Naniniwala kasi si Maja sa Chinese belief na ang August ay  ghost month kaya malamang daw sa October na sila tumira sa bago niyang bahay.

Movie ni Ai ai de las Alas, ipalalabas sa SM

LABIS-LABIS ANG pasasalamat ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas  nu’ng malaman niya na nagkaayos na ang Star Cinema at SM cinema. Napa-thank you bigla si Ai Ai  sa Panginoon dahil dininig  ang kanyang dasal na maipalabas ang movie niya with ex-President  Joseph  Estrada sa mga sinehan sa SM malls.

Nagkaroon ng last minute announcement ang Star Cinema sa Showbiz News Ngayon na naayos na ang problema nila with SM cinema. We heard nakapagbigay na ng ilang partial payment ang SM  sa Star Cinema sa kanilang kaukulang collection.

According naman to our source, umabot na sa hundred millions diumano ang kinita sa takilya ng mga pelikula ng Star Cinema ang hindi nila nakolekta mula sa SM.

Masaya ring ibinalita ng host ng Ruffa and Ai na may playdate na ang movie nila ni Erap na Ang Tanging Ina: A Merry Go Round on October 14. Although, nakaka-one fourth pa lang daw sila ng shooting, tiniyak ni Ai Ai na aabot sila sa playdate.

All praises naman si AiAi sa mga taga-General Santos. Almost one week nag-stay doon ang comedienne para sa shooting ng movie nila ni Erap kasama sina Sam Milby, Toni Gonzaga at Aling Dionisia Pacquiao.  Bumalik si Ai Ai ng Manila nu’ng Friday at nu’ng Sabado ay sumilip siya sa burol ng Iglesia ni Cristo head na si Ka Erdie Manalo.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Previous articleSipat-eklat #141
Next articleMovie ni Kristel Moreno, ipoprodyus ng suitor – Eddie Littlefield

No posts to display