SA PANONOOD NAMIN ng Pinoy Big Brother Double Up ng ABS-CBN recently, partikular na last week, kung saan may “Resbak-Attack” ang drama ng pagresbak ng ex-housemates, nakita ng taumbayan ang tunay na pagkatao ng sinasabi pa man ding “malakas” na mag-wagi o makasama sa Big 4 – sina housemate Melai at housemate Jason.
Ito ay ang aspetong may pagkatamad ang dalawa. Na habang ang ibang housemates nila na sina Tibo, Mariel, Johan, at Paul Jake ay nakikipagsapalaran sa pakikipaglaban sa task ng ex-housemates na pataubin ang man-made tore nila (nilagay sa gitna ng swimming pool, the task ay hindi dapat ito matumba ng kalaban), ito namang “Melason” loveteam eklat ay tamad-tamarang ayaw makisawsaw o makilahok sa task!
Pagpapatunay lang na tamad ang dalawa, o wa’ care sa team effort.
Although may katuwiran naman sila na mas pinapanigan nila ang friendship nila with the rest of the housemates – ex man o current.
Well, malalaman natin kung type pa rin sila ng taumbayan dahil nominado sila pareho this week, at ngayong Sabado malalaman kung may matsuging isa man sa dalawa.
It would be recalled na nu’ng kalagitnaan ng show, kilig-kiligan at talaga namang nakatutuwa ang “Melason” loveteam kuno, dahil natural ang kanilang mga hirit, although may nagsasabing “scripted” ang kanilang drama. Pero kami man nga ay naaliw sa kanila in the early weeks, pero laking turn-off namin sa katamarang ipinakita nila sa publiko last week!
So, mukhang ‘di dapat magpaka-sitting pretty ang Melai at Jason na papasok sila sa Big 4 dahil dito, dahil nakita ang tunay nilang ugali pagdating sa teamwork at sariling paninindigan sa buhay, huh!
Magkaganu’n man, may nagsabing kasado na ang comedy film ng Melason team, kasama sina Pokwang and Pooh under Star Cinema, pero ang Ad Prom people ng film outfit ay hindi pa ito makumpirma as of press time, at ibang mga film titles pa lang ang nabanggit nito, starting off with Paano Na Kaya? nina Kim Chiu and Gerald Anderson na kasalukuyang pinipilahan ng kanilang teen fans sa mga sinehan, huh!
VERY HUMBLE FOR Judy Ann Santos sa pagsasabing sana raw ay silang dalawa ni Claudine Barretto ang nasabihang Queens of Teleserye or mga Reyna ng Pinoy Soap Opera, or whatever titles ang ikinakabit ngayon sa young superstar, sa kanyang pagbabalik-primetime via Habang May Buhay na magsisimula na sa Lunes.
Time and again, sina Judai and Claudine lang naman talaga ang magka-level in terms of superstardom, and this we mean eh, sa mga ka-batch niyang actresses – award-winning at that – at hindi kasama ang hindi nila ka-age bracket, at hindi nakapag-bida sa blockbuster at award-winning films.
Ang nakatutuwa kina Judai and Claudine, magkalaban man ang kanilang mga kampo, or ang kani-kanilang hukbo ng fans, nananatili ang respeto nila for each other.
Hats off ang press people sa statement na ‘yon ni Judai sa Habang May Buhay presscon sa bonggacious na Fernwood Gardens sa Quezon City last week, kaso nga lang ay nagdesisyon na si Claudine na mag-ober da bakod na sa GMA-7.
Bagay na inamin din ni Judai apat na beses din niyang tinangkang lumipat sa Kapuso dahil sa more than two years na paggawa ng said teleserye, kung saan kasama nito sina Derek Ramsay, Joem Bascon, Rio Locsin, Tetchie Agbayani, etc.
Samantala, mukhang hindi pa ‘ata mabibigyan ni Judai ang pag-rest sa sarili upang mabuntis, kahit ito yata ang type ng kanyang OB-Gyne, dahil sa tambak nitong commitments left and right – TV, movies, and endorsements.
Nasa kasagsagan din ng shooting si Judy Ann ng Hating Kapatid na new movie nito with Sarah Geronimo, under Viva Films, directed by Wenn Deramas.
For feedback, e-mail us at [email protected]
Mellow Thoughts
by Mell Navarro