ALAS DOS NG madaling-araw nu’ng Sabado nang mabulabog sa isang tawag si Melissa Mendez mula sa kanyang churchmate, dahil ang kotse raw nito ay nakaparada sa harap ng bahay nila at puro bangga at sira-sira. Hindi agad naniwala si Melissa, kaya lumabas ito sa kanilang bahay at hinanap ang kotse sa garahe.
Nagulat siya dahil wala nga ang kanyang kotse at nawawala rin ang kanyang houseboy. Sa police station na nagpang-abot si Melissa at kanyang houseboy, napag-alaman mula sa mga police na lasing ang houseboy ni Melissa nang itakas nito at i-test drive ang kotse niya. At dahil may taping si Melissa ng umaga ng Sabado, nakiusap ito sa mga police na ikulong na lamang ang kanyang houseboy at babalikan niya rin ng afternoon upang ayusin ang asunto at pag-isipan kung ano ang ikakaso.
Along the way daw at during ng kanyang taping, napag-isipan ni Melissa na huwag nang magdemanda at patawarin na lang daw ang kanyang houseboy. Alam daw niya ang pinagdadaanan ng bata dahil parehong nakakulong ang mga magulang nito. Nag-personal evaluation daw si Melissa sa performance ng kanyang houseboy sa one month nito sa kanyang bahay at napag isipan niya na mabait naman daw ito. Siguro raw ay gusto lang nitong matutong mag-drive ng kotse.
Pero pagpunta ni Melissa sa presinto, nagulat ito sa sinapit ng kanyang houseboy, bugbog-sarado at nagmamakaawa. Nakaramdam daw si Melissa ng awa sa kanyang houseboy na binugbog pala ng mga preso. Sahil sa kanyang Christian value, pinatawad niya ito at muling iniuwi sa kanyang bahay.
Sa aming pag-uusap sa kanyang barbeque stand, maluwag na ngang tinanggap ni Melissa ang pangyayari at ipapagawa na lang daw niya ang kanyang kotse.
INAMIN NI MATTEO Guidicelli na crush niya dati si Sarah Geronimo, pero nagbago na raw ‘yon. Panay din ang deny nito na may gusto siya kay Maja Salvador, kahit marami na ang nakakakita na madalas silang magkasama
Na-miss din daw niya ang car racing, pero isinantabi na niya ito dahil sa pag-aartista na raw ang concentration niya.
Please watch Tweetbiz Insiders every Monday, Tuesday, Wednesday and Friday 7:10 PM, sa GMA news TV, dahil mas malalaki ang pa-sabog at mas malalawak ang balitaktakan nina Tim Yap, Lolit Solis at Gelli de Belen.
The Lion’s Guard
by Gary de Leon