ISANG MALIIT NA ibon ang nagbulong sa atin na for quite sometime, naging mag-ON sina Jason Abalos at Melissa Ricks. Nang magkita sila sa taping ng Kambal Sa Uma noong Lunes, natural lamang na tuwang-tuwa sila, bagama’t sinisikil pa rin nila ang kanilang damdamin. Kung bakit ayaw, o hindi nila inamin noon at posibleng ngayon, ay may kinalaman daw sa istriktong parents ng dalaga.
Hindi naman daw mahirap kausapin si Jason. Naunawaan niya ang sitwasyon ng dalaga, lalo’t siya ay kailangang i-prioritize ang kanyang career kaysa lovelife. Totoo rin sa premyadong aktor ang kasabihang “lucky in career, unlucky in love.”
Look, after his award-winning roles as Cristine Reyes leading man in Eva Fonda at best friend ni Ryan Agoncillo sa magtatapos na ring Pieta ngayong Linggo, nakasalang naman siya sa Kambal Sa Uma bilang leading man ni Shaina Magdayao.
Kuryenteng-kuryente kung ganu’n ang nagsulat na lumipat na siya sa GMA 7. Kung ganito namang klase ang pag-aalaga sa kanya ng Star Magic, bakit pa siya lilipat? Bukod sa alaga, prized possesion din siya ng ABS-CBN dahil sa dalawang best actor awards na iniregalo niya sa network for his indie movie Endo.
Going back to Melissa, it looks like she has the more challenging role compared to Shaina. Pinagmukha talaga siyang daga with matching big ears at mabuhok na ulo. Surprisingly, bumagay kay Melissa ang makapal na buhok. Manipis kasi ang totoong buhok ni Melissa and that added hair sa kanyang noo realy becomes her. Magandang daga siya.
Shaina might still surprise us with her hairly back. Puwede ba namang pabayaan ng Star Magic si Shaina, eh, she’s most likely the real “Drama Princess” to boot. Kahit sa komiks novel na ito na obra ni Jim Hernadez, magpipingkian talaga sila ng talento ni Melissa.
By the way, ang eksenang kinunan sa Pililla, Rizal had Kristel Moreno (yes, she’s also in the series) seducing Jason. Eh ‘di ba, for sometime din, naipagtapat noon ni Kristel na crush niya si Jason dahil sa kayumangging kutis nito at pagiging soft spoken kapag napapanood niya sa TV? Tinotoo kaya niya ang pang-akit sa premyadong aktor?
HINDI NAMAN NAMIN nahintay noong Lunes ng gabi ang pagdating ni Megastar, Sharon Cuneta mula sa Bangkok para sa kanyang taping ng Sharon. Kaya pala nagkakasakit si Mega nitong mga nakaraang araw, eh, dahil, sinagad-sagad nila ang shooting para sa pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas na ipalalabas na sa buwan ng Mayo. Pang-Mother’s Day Presentation pala iyon.
We tried also to wait for Chokoleit na co-host ni Mega nang gabing iyon. Hindi kasi kami makapaniwala na kakayahin ni Choy ang paglabas sa TV, lalo’t namimighati siya sa tragic death ng kanyang pinakamamahal na ina. Nagpasabi naman ang Sharon staff na mauunawaan nila kung hindi niya kayanin ang guest stint sa Sharon.
Pero he stood firm in his decision that show must still go on. Grabe.
Para du’n sa mga walang magawa at nagpapayo na mag-iba na ng format ang Sharon ni Mega, ibabalita namin na nag-No. 2 na uli sa nationwide survey ang “Pares-Pares” episode ng show, at no. 3 naman sa replay ang Best of Sharon noong Linggo.
BULL Chit!
by Chit Ramos