NAKAKALURKIE ANG production number nina Jake Cuenca at Melissa Ricks sa ASAP Rocks kahapon. Birthday ni Jake nu’ng Dec. 30, si Melissa naman ay Jan. 9, kaya nagkaroon sila ng birthday production number.
After ng kanilang number, tinutukso sila ng mga hosts. Pinagbebeso sila, pero ayaw ni Melissa. Nag-beso na raw sila sa backstage. Eh, si Jake naman, naghihintay lang na papayag si Melissa.
Tawanan ang mga tao, lalo na ang iba pang co-hosts ng show. Si Melissa, ang pakla ng ngiti. Hahaha!
Juice ko, halatang si Melissa ay irita pa rin kay Jake. Siguro nga, ang bigat ng kasalanan ng aktor kay Melissa.
Ang tsika sa amin, hindi pa rin ma-forget ni Melissa na “iniputan” siya sa ulo ni Jake. Na habang sila pa’y totoo bang nambababae pa si Jake at si Melissa pa mismo ang nakahuli.
Paano?
Hahaha!
Ang laswa kasi, eh. Pero ‘eto ‘yung narinig namin, ha? Puwera na lang kung idenay ito ng dalawa, pero sana nga ay hindi ito totoo.
Na minsang nag-ring ang phone ni Melissa at tumatawag si Jake ay sinagot ng babae. At totoo ba ‘to? Biglang ang naririnig na lang ni Melissa sa kabilang linya ay ang, “Oh, syet…fu-k! You’re so hoooot! Ohhhh!”
Natawa kami nu’ng marinig ang kuwentong ‘yon na naupuan pala ni Jake ang celfone niya at ‘di sinasadyang nai-dial ang huling number na tinawagan niya.
Patay!
‘Yan ay kung totoo ang kuwento, ha?
TULOY NA tuloy na ang advanced screening at director’s cut ng indie film na ipinrodyus at sinulat namin, ang “Dyagwar (Havey O Waley?) sa UP Film Institute sa Feb. 18, Sat, 7pm.
At pinili naming ito ay ilibre sa public basta i-post lang ang kanilang name sa http://www.facebook.com/events/352122931471120/?context=create para mapabilang kayo sa aming guest list.
At bilang kapalit na aming hinihingi, meron lang kaming donation box for ChildHaus Foundation. Any amount basta galing sa puso, ipagpapasalamat na namin.
Ang Dyagwar ay kuwento ng dalawang guwardiyang sina Eric Fructuoso at Boom Labrusca na halinhinang nagbabantay ng isang compound na ang mga tenants ay may iba’t ibang kuwento ng kanilang buhay na “damay” ang dalawang guwardiya.
Isang nakakatuwang sex-comedy ang Dyagwar at ang maipapangako lang namin sa inyo ay pasasampal kami kung hindi man lang kayo nangiti o natawa sa kabuuan ng pelikula.
Makaka-relate kayo tiyak. At kayo na rin ang sumagot kung bakit umiiyak ang dalawang guwardiya at kumbakit malaki ang kaugnayan ng banyo sa tabi ng kanilang puwesto.
Directed by Sid Pascua, sana magustuhan n’yo.
SUMALI NA rin sa Twitter si Megastar Sharon Cuneta, kaya kung sinu-sino na lang ang nagpo-promote ng kanyang Twitter account na i-follow.
I’m sure, ‘yung 355 thousand followers ko sa Twitter (@ogiediaz) eh, wala pang isang buwan, aabutan na ni Megastar.
BIGLA TULOY naming naalala ‘yung ilang fans ni Charice Pempengco na gumawa pa ng hashtag sa Twitter ng #PokpokAngInaNiOgieDiaz porke hindi lang nila nagugustuhan ang opinyon ko sa kanilang idolo.
Muntik na naming isara ang Twitter account namin, dahil sa sobrang na-hurt kami ng ilan niyang fans. Pero we realized that in Twitter, we cannot please everybody.
Kaya nga bago pa sila ma-highblood sa amin o matigok sa sobrang iritasyon sa amin ay pinagbaba-block namin sila bilang follower.
Ngayon, merong ilang followers na nakikiusap na i-unblock na ang kanilang friends,
Oh My G!
by Ogie Diaz