NOONG NAKAPANAYAM namin si Melissa Ricks two weeks ago, medyo may sinabi siyang ready na siyang mag-pose sa isang sexy men’s magazine and in fact meron na nga siyang ginawa. Lalabas pa lang daw ito at nakita na namin ang nasabing kop-ya. Well, okay naman, at least hindi na siya nagpa-tweetums dahil hindi na rin naman siya bagets, ‘no?
Kuwento pa nga niya, “Like before, I said hindi po ako magsasalita ng tapos, pero siguro next month (September) may aabangan kayo sa akin. Hopefully, suportahan n’yo po ako d’yan. It took a lot of courage, a lot of guts and a lot of dieting, so sana po suportahan n’yo po ako sa aking pasabog na ito.”
Gaano kaya ka-sexy ang tinutukoy niy-ang ‘pasabog’? “I think, it’s my sexiest kasi I would not do it on a normal day, eh. Hindi ko naman sinusuot ‘yung ganu’n. Pero, I’m very happy that the team is very nice to me and I felt really comfortable kaya sana po magustuhan ninyo.”
Pagdating naman daw sa Lovelife ay okay na okay sila ni Paul Jake Castillo. “Oo. Okay naman I’m very, very happy. I’m very blessed right now lahat ng nangyayari sa akin. It’s been a good year no doubt. A very good year for me and meeting Paul Jake is the best blessing that came along also. Kasi I’m very… I’m secure right now, I feel very loved, I’m very happy no worries. Happy to be with Paul Jake.”
Last year pa napansin ng karamihan na medyo may namumuo ngang relasyon sa kanilang dalawa at hindi naman nila ito itinatago. In fact, last April ay nakilala na niya ang mga magulang at kapatid ng binatang mula sa Cebu. “Oo, noong Holy week, I went to Cebu to meet his mom and dad, his brothers and sisters, they’re also very nice, very humble family, sana mas mapalapit ako sa kanila, kasi ‘andito nga ako sa Manila eh. Kasi I’m working, pero sana makabalik ako ng Cebu soon.”
Kung naipakilala na siya ni Paul Jake sa kanyang pamilya, naipakilala na rin kaya niya ang kasintahan sa kanyang magulang at kapatid? “Ah my mom is in the states along with my brother pero, umuwi ‘yung kuya ko last week and na-meet niya si Paul Jake and he said he is a very, very good guy, my dad also meet Paul Jake and okay naman.”
So may plano ba siyang maipakilala na sa kanyang ina ang itinitibok ng kanyang puso sa ngayon? “Actually we have plans to go, sa November, sa US, after siyempre ng ‘Walang Hanggan’. ‘Di ba kasi very long run ‘yung serye, ‘di ba, vacation naman after? After that siguro we will go to the States, probably with his family, and then meet my mom. Hopefully matuloy at mapayagan ng schedule.”
Is this your happiest relationship so far? “Oo, I would say na it’s my happiest and most secure, I’m not worrying all the time, kasi naiintindihan niya ‘yung work ko, bilang Monday to Friday, nagti-taping kami ng ‘Walang Hanggan’, you know he understands. Minsan nagkakatampuhan, kasi nga you know, time is very precious, pero he understands my work, I understand his work. Most of the time he’s in Cebu also. Ganu’n ang isang relasyon you have to understand each other.”
Dahil game na game si Melissa na sumagot sa mga tanong na ibinabato sa kanya, inungkat na rin ng mga nag-interview sa kanya kung may closure na nga ba sila ng ex-boyfriend na si Jake Cuenca. In speaking terms na nga ba sila ni Jake? “Ah we don’t talk. You know…”
Completely healed na nga ba ang puso niya sa ‘greatest break-up’ niyang maituturing with Jake? Or may nananatiling scar pa rin sa puso niya? “Ahm, of course you know when your heart has been broken, it will leave a scar. You know it gonna stay there for a while, but that scar is a lesson learned, not to make the same mistakes in your next relationship. I think na God did that to me, for a reason, for me to grow up, to be more mature, and to see what I really deserve.”
NOONG BIYERNES, September 7, lumabas na sa programang Cristy Ferminute sa 92.3 NewsFM ang balitang pormal nang nag-resign bilang publicist ni Governor ER Ejercito ang radio host at showbiz columnist na si Jobert Sucaldito. At sa Facebook status nito ay medyo malungkot si Jobert sa paghihiwalay nila ng landas ng actor-politician na ilang taon din niyang pini-PR.
Ayaw niyang i-detalye kung ano ang namagitan o mga dahilan kung bakit narating niya ang desisyong ito pero may term siyang ginamit na parang ‘unwanted’ na daw siya sa kampo ng Gobernador.
Nanghihinayang lang kami sa samahan nila dahil alam namin kung paano nakipaglaban si Jobert para kay Gov. ER.
Sana hindi naman ‘final and irrevocable’ ang resignation ni Inang Jobs bi-lang tagapamahala sa career ni Governor ER.
Sure na ‘to
By Arniel Serato