WALANG KASO KAY Shaina Magdayao sakali mang una siyang sumikat kaysa kay Melissa Ricks, pero ngayon ay pantay na sila (lalo na sa billing) sa Kambal Sa Uma, na magsisimula nang mapanood sa April 20 sa Kapamilya network.
“Malaki ang respeto ko sa network at alam kong they know what’s best for us. Isa pa, gusto ko ring makasama sa trabaho si Melissa. She’s one of my nicest friend in ASAP,” simple niyang katwiran.
Wala yata ni katiting na masamang bato sa katawan ang nakababatang kapatid ni Vina Morales. Kuntentong-kuntento siya sa pag-aalaga sa kanya ng ABS, lalo na ng Star Magic. Nagpapasalamat din marahil siya sa Diyos tuwing haharap siya sa salamin, dahil biniyayaan siya ng isang napakagandang mukha, makinis na kutis at katawang-to-die for. Bagay na bagay nga sa kanya ang Dragonna costume na nagpapakita ng kanyang cleavage. Sayang nga lang, at nasa kabilang istasyon ang rights para sa Darna projects. Otherwise, perfect launching movie na sana ito ni Shaina after Kambal sa Uma.
Marunong din siyang pumili ng mamahalin. Naging magandang influence sa kanya si John Prats, at the same time, naging lucky charm din sa career. Look, nag-evolve ang kanyang personality. At kitang-kita ito sa bawa’t billboard ng pangunahing softdrinks na ini-endorse niya ngayon kasama sina Kim Chui at Enchong Dee.
The same can be said of Shaina tungkol sa career ni Pratty (John, I mean). Inspirasyon din ng binata ang dalaga kung kaya’t umaarangkada rin ang kanyang career. Bukod sa pagiging Dance Prince epektibo rin siyang komedyante. Hindi pa nga natatapos ang Parekoy na-cast na sila bilang bagong addition sa Banana Split nina Cristine Reyes, RR Herrera, Princess Ryan at Angelica Panganiban.
Wala nang mahihiling pa si Shaina!
ANG LUPIT NAMAN ng mga e-mailers natin ngayon. Sabihin ba namang mahilig daw pala ang magkapatid na Troy at KC Montero sa mga “second hand.”
“Dumayo pa sila sa ‘Pinas para kina Aubrey Miles at Geneva Cruz,” banat nila.” Tinutukoy nila ay ang pagiging dalagang ina ng mga ito. Ang dami namang dalaga sa ating bansa. Bakit gusto nilang may instant family agad. Hindi kaya magsisi ang kanilang parents, lalo na ang kanilang Pilipinag ina na pinayagan silang makipagsapalaran dito sa ‘Pinas?”
Nag-ugat yata ang reaction na ito sa pagtatapat ni Aubrey na may anak nga siyang 8 years old na ngayon. Hindi naman kasi lihim iyon.
Alam na ng buong showbiz ang katotohanang iyon. Kahit sumumpa-sumpa pa si Aubrey noon na hindi totoo ang mga nasulat, walang naniwala. Sa totoo lang, pati ang inyong lingkod ay nakapaglabas ng ebidensiya noon. Isang larawan ng batang si Mori na buong ningning na idinenay ni Aubrey. Pati nga ang mismong father nito, nagsalita rin noon. At pinagmukha kaming tanga, kaming lahat ni Aubrey. Nakapagtataka nga kung bakit paiyak-iyak pa siya sa TV, eh, bistado na siya noon pa man.
Kaya nga, siguro, hindi nagtagal ang career ni Aubrey. Karma?
For a time din, namayagpag ang mga pangalan nina Troy at KC sa showbiz. Naging star of a dance show si Troy with no less than Charlene Gonzales pa. Si KC naman ,naging in-demand bilang host ng iba’t ibang shows sa GMA 7. Sumikat at kumita sila pareho nang husto.
Pero, short-lived pareho ang kanilang kasikatan. Bakit? Hindi kasi natutong mag-Tagalog ang magkapatid. Alam n’yo na naman dito sa ating bayan, “Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.” Kini-claim pa nilang half-Pinoys sila, ayaw namang tangkilik ang sarili nating wika.
“Bakit po kaya hindi na bumalik ng ‘Pinas si KC? Balik-karpintero ba siya sa Washington DC?” Muling tanong ng ating e-mailer. “Actually, they all deserve each other naman po, ‘di ba?
Look na lang daw ako sa sky!
BULL Chit!
by Chit Ramos