MATAPOS ANG MATAGAL na paghahanap sa kanya, natagpuan na rin sa wakas si Elisa at napapanood na siya ngayon gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime bida.
Young star Melissa Ricks topbills Nasaan Ka, Elisa?, a remake of the Chilean 2009 drama ‘Dónde está Elisa’. Isang malaking hamon para kay Melissa ang maging lead star dito because she is required to do daring scenes. She will shed off her sweet image to effectively portray Elisa, a beautiful and rich young girl who seems to be a perfect daughter pero lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang, she keeps a secret persona.
Kapag napapanood ko ang trailer ng series ay nai-isip kong ang bilis talagang lumipas ng panahon. Melissa was only 14 years old when she joined Star Circle Teen Quest in 2004 at siya ang pinakabata sa limang grand questors. She emerged 4th runner up in the reality talent search which I was one of the jurors together with Direk Lauren Dyogi and Ms. Gloria Diaz.
Kung gumaga-nap man ngayon si Melissa ng isang karakter na may itinatagong pagkatao, taliwas naman ito sa totoong buhay. Kilalang-kilala ng mga taong nagmamahal sa kanya ang tunay na Melissa.
Sabi ng kanyang bestfriend na si Geraldine Alvarez, “Magkaiba kami ng career paths – ako sa studies, siya sa showbiz. ‘Pag sobrang stress ko na sa studies, kahit nagte-taping siya tatawagan niya ako. Tapos iiyak lang ako sa kanya. Makikinig lang siya. After that, pupuntahan niya ako tapos ilalabas niya ako.” Ito ay isang patunay that true friendship is a blessing. Ang mga tunay na kaibigan kasi ay laging maaasahan umulan man o umaraw, sa hirap man o ginhawa. Wala silang pinipiling oras at lugar kung kailangan mo ng isang karamay. Mabaliw ka man sa tawag ng pag-ibig ay nandiyan pa rin sila para sa iyo.
Kuwento ni Kitkat, isang malapit na kaibigan ni Mel, “’Pag birthday niya, nagpapakain iyan sa mga orphans. Mag-aaya iyan, ‘Ate Kit, gusto mo bang pumunta sa orphanage?’ So kahit wala siyang party, basta magpapa-kain siya sa mga orphans.”
Love knows no distance when it comes to family members. Melissa is very close to her brother Jason who is now based in Los Angeles. “’Di alam ng mga tao na iyong bond namin [ay] super strong. Kahit malayo kami ngayon, nandito ako sa States, nandiyan siya sa Pilipinas, close pa rin kami.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda