NAKAKAALIW ang pagkalat ng memes ni Aiko Melendez gamit ang ilang eksena sa Wildflower na inire-replay ngayon sa ABS-CBN tuwing gabi.
Bentang-benta ito sa netizens at daan-daang libo na ang views after mag-announce ang Malacanang na extended ang ECQ hanggang April 30. Sa video ay naglulupasay si Aiko sa eksena na sobrang dismayado na na-extend ang ECQ.
Muling nag-surface sa internet ang video ni Aiko na similar din ang tema nang muling mag-announce ang gobyerno ng extension ng ECQ hanggang May 15, 2020.
Reaksyon ni Aiko, “Nakakapansin na ako, parang ako ang paborito n’yong paglaruan ngayong ECQ. Okey, go lang. Ha-ha-ha.”
Ang iba pang memes na kumalat sa socil media ay ang mga reaksyon kuno ni Aiko nang nahuling walang quarantine pass, nung nabuking na nire-repack ang relief goods at nung nalaman na wala ang pangalan niya sa listahan ng DSWD.
Samantala, may pakiusap si Aiko sa mga taong puro pamba-bash ang ginawa sa gobyerno at kay Presidente Rodrigo Duterte ngayong panahon ng health crisis.
Ani Aiko, “I wanted to be objective on this matter, I know much may not agree with me on this, but the situation we are in now, somehow taught us so many lessons.
“Ranting, complaining, bashing is all form of negativity. Do we still have enough space for that now? We are facing a pandemic and will all those help us recover from this Covid-19?
“The answer we all know is NO! Why don’t we, for once just be still, and Pray? I know it sounds boring for some to be still but is staying home part of being still?
“We are left with no choice now. We are fighting for One Country which is PHILIPPINES! There is always a right time for ranting. Apparently, now is not the right time. Save our grievances on the next elections, But for now I will stand by our government because God allowed him to govern during these times.
“It is in the Bible to respect our leaders! So whether we are extending or till april 30 i will support and abide by the orders of our Goverment out of respect. Goodnight! And keep safe mga kakababayan that is our ultimate goal to be safe as one.”
Just like other celebrities, gumagawarin ng paraan si Aiko para makatulong sa mga frontliners sa Metro Manila. Ang boyfriend naman niyang si Zambables Vice Governor Jay Khonghun ay abala rin sa kanyang mga kababayan sa probinsya.