Mensahe kay Jacinta

SA ISANG luping pahina ng lumang high school notebook, nabuklat ko kamakailan ang kanyang larawan. High school graduation photo. ‘Di pa masyadong malabo. Subalit paligid ay puno ng kagat ng ipis. Isang 15 anyos na kagandahan.  Mapungay na mata, manipis na labi at maliit na nunal sa kaliwang pisngi.

Matagal kong pinag-isipan kung ano ang gagawin ko sa larawan. Ibalik sa notebook? O isingit sa mga lumang aklat sa attic? Wala akong malamang gawin. Habang ang matamis na alaala ay umaagos sa aking dibdib.

Ah, bakit ‘di ko gawing paksa sa pitak na ito. Ngunit anong interes ng mambabasa sa kanya. Isa kong high school classmate at ehem unang tinibukan ng aking murang dibdib. ‘Di ba kayo’y meron din? Sa isa’t isa sa atin espesyal ganyang nilikha at kanyang haplos ng alaala. Bakit ba makita ko lang ang bubong ng bahay nila ay para akong nakasulyap ng paraiso? Kakaba-kaba ang mura kong dibdib. Ugat ng katawan ay nag-iinit. Bakit ba kahit palihim na sulyap niya ay para akong nalilipad sa ikapitong langit?

Tunay na kaiba ang unang pag-ibig. Subalit ang saklap ay walang kinahinatnan. Nahulog siya sa matalik kong kaibigan. At ang hapdi ng unang kabiguan ay parang isang libong punyal na tumarak sa aking katauhan.

Tama kayo. Corny. Ganyan lahat ang unang pag-ibig. Subalit nakaraang taon, nagulantang ako sa pagtanggap ng isang liham sa kanya. Mahigit tatlong dekada ko siyang ‘di naringgan o nakita. Bumalik ang dating kaba ng dibdib. Mga matatanda nang ugat, nagpumilit mag-init.

Isang imbitasyon sa Tagaytay Convent. Isang religious life ang kanyang pinasok. ‘Di ko alam aking naramdaman. Kelan man, alam kong ‘di ko malalaman. God be with you, Jacinta.

SAMUT-SAMOT

NAPABALITA NA ang binata nating Pangulo, P-Noy, ay may bagong heartthrob. Ayon sa pulang paru-paro, siya ay si Karen Villanueva, 31, Mayor ng Bais City, Negros Oriental.

Unang nagkita ang dalawa nu’ng 2010 campaign. Tinawag si Karen na “guapa” ng Pangulo. At halatang-halata na smitten at first sight si P-Noy sa kanya. Sa mga informal gatherings sa Palasyo, napabalita na laging pinag-uusapan ng Pangulo at ilan niyang malapit na kaibigan si Karen. Laging nag-e-exchange daw ng text ang dalawa.

Kahapon, aksidenteng nagkatagpo ang dalawa sa airport. Para raw natuliro si P-Noy. Ganu’n din si Karen. Abangan ang susunod na kabanata.

KINANTIYAWAN KO kamakailan si Atty. Ferdie Topacio, controversial legal counsel ni former First Gentleman Mike Arroyo. Partner, salamat sa TRO, na-save mo ang iyong family jewel. Humagikgik siya nang malakas, sabay mabigat na tapik sa aking balikat.

But at least I landed sa front pages at hanggang ngayon pinag-uusapan. Trabaho lang ‘to. Wari ko I made my client happy.

TALAGANG MAY balls si DoJ Secretary Leila de Lima. Hamak mo, kundi niya pinanindigan ang pagbabale-wala sa Supreme Court TRO, kung saan-saan nang lupalop nagliliw-aliw ang dating Pangulong GMA. All the while pala, niloloko ang tao. Kung anu-anong sakit ang pinapahayag ni Dr. Raul Lambino, kanyang tagapagsalita. Mabuti si Len Bautista Horn ay sumibat na sa eksena. Nakaka-alibadbad ang mukha, lalo na kung palaban. Ala eh, humble na lang sila sana. Galit na galit ang buong bansa sa amo niya.

ANU BA ‘tong nabalita na ‘di raw makukuha ng Bureau of Customs ang target quota sa katapusan ng taon? Ang BoC Commissioner Raffy Biazon is starting out not only as a slow learner but also as a wimp and lemon. Pinaiikutan daw ng entrenched syndicates sa ahensya.  Hanggang ngayon wala pang dramatic developments na nangyayari.  Patuloy pa rin ang unabated smuggling. At ano na ang nangyari sa missing container vans na ikinatalsik ni dating BoC Com. Lito Alvarez?

NAKAKALUNGKOT ANG balita na isang miyembro ng celebrated BeeGees, sikat na grupo ng mang-aawit nu’ng 1980s ay may liver cancer. Siya ay si Philip Gibb, 47 years old. Dalawa niyang kapatid ay namatay rin sa cancer. Number one fan ako niya. Sana’y malampasan niya ang karamdaman.

LOOKING VERY sickly si Comelec Chairman Sixto Brillantes. Tingin ko he has lost 10 pounds pagkatapos magkasakit ng peptic ulcer noong nakaraang buwan. Gayundin si dating Comelec Commissioner Ben Abalos. May bleeding peptic ulcer din. At nahaharap sa unbailable poll sabotage case kasama ni GMA. Nakahahabag.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleFake medicine; at Pergalan ng Marilao Cop
Next articleKaso ng adultery

No posts to display