HINDI NA NAMIN tinapos ang interbyu kay Mercedes Cabral sa premiere night ng pelikulang “Bugso” dahil bad trip kami sa pagiging feelingera niya.Akala namin behave na siya pagkatapos mabira sa isyu sa kanila ni Mother Lily Monteverde nu’ng nakaraang MMFF pero pinatunayan niya talaga na may attitude siya.
Dahil guest siya ngayon sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay tinanong kung si Coco Martin ba ang dahilan ng pagkakasali niya sa show. Nagkita naman daw sila sa set dahil nagkasama sila dati sa indie movie na “Serbis” at last na pagsasama nila ay sa “Kinatay”.
Ayon kay Mercedes, creative department daw ang namili sa kanya at dahil parte ng creative si Coco ay kasali rin ito sa nagde-decide kung bagay ang role o hindi sa igi-guest.
Pero nang tanungin ng isang katoto kung nanligaw ba dati sa kanya si Coco o naging mag-syota before ay nagmaldita na siya at nag-inarte.
“Ano ba namang mga tanong ‘yan? Ang tagal-tagal na. It’s 9 years, my God! At hindi pa rin natatapos. Magkaibigan lang. ‘Yun lang actually ang medyo nakakatawa, parang c’mmon it just a story tapos bibigyan niyo ng isyu. Parang you don’t really like looking to… what the film is about which is somewhat frustrating for an actors kasi mas tinitingnan nila ‘yung isyu, hindi naman dapat. Do you even care what the film is about?’
Hindi na namin tinapos ang litanya ng feelingerang starlet na HIV Positive ang role sa “Bugso”.Nilayasan na namin siya habang nagsasalita. Sino ba ang nagi-isyu sa kanya? Siya ang gumagawa ng sarili niyang isyu,huh!
Ang “Bugso” ay prodyus ng Mega Jb2M Film Productions at A.A. Rocha Films. May mensahe ang naturang pelikula tungkol sa HIV/Aids para sa awareness at enlightenment. Gusto rin namin ang top shots ni Direk Rocha na nakikita ang mga riders sa Kabikulan.
Tinalbugan ng batang si Bon Andrew Lentejas si Mercedes pagdating sa aktingan sa pelikulang ito.
Tampok din sa pelikula sina Kristoffer King, Vandolph Quizon,Victor Neri , Dong Literal at ang TGP Riders. Ito ay sa direksyon ni Ace Aenlle Rocha .
‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro