Meryll Soriano, ayaw tumakbo si Willie Revillame – Ronnie Carasco

MASYADO NAMAN YATANG pinapuputok ang pagiging high-profile celebrity ni Willie Revillame. This time, ang kanya raw napipintong pagpalaot sa pulitika.

Bagama’t in fairness to the TV host ay wala pa namang direktang kumpirmasyon na siya nga’y sasabak din sa larangang ito, hindi ito welcome news para sa kanyang mismong anak na si Meryll Soriano. The daughter is not in favor of her father’s pursuit of a political dream.

Samantala, bukas ang ibinigay na palugit kay Vice President Noli de Castro ng partidong Lakas-Kampi-CMD kung aanib ito upang maging standard bearer sa May 2010 elections. Isang bukas na aklat ang pagiging sanggang-dikit ni Willie kay Noli, worse, being the “extension” of the VP whose alleged holdings are being passed for Willie’s.

Sa gitna ng wild speculations na tatakbo si Willie sa pagkasenador, and presumably sa ilalim ng tiket ni Noli, will tomorrow set a record in political history?

Iiiiiwwwww!!!

Cogie Domingo, walang kinalaman sa kaso ni Chavit

SAPAT NA MARAHIL ANG statement mula kay Atty. Rod Domingo na inisyu nito noong Biyernes upang pabulaanan ang anumang pagkakaugnay ng kanyang aktor na anak na si Cogie sa relasyong Chavit Singson-Che Tiongson.

Buod na lang na isang-pahina, apat-na-puntong pahayag ng ama ni Cogie ang aking ibabahagi:  1.) Dahil sa taas ng paggalang ng aktor sa Deputy National Security Adviser ay hindi dudungisan ang imahe nito;  2.) Hindi raw ipinagtapat ni Che kay Cogie ang kanyang tunay na estado, kung kaya’t nang matuklasan ng aktor na ito’y kinakasama ni Chavit ay agad siyang kumalas bilang kaibigan;  3.)  Tinangka rin daw ni Cogie na ipaliwanag ang kanyang panig kay Chavit upang bigyang-diin din na hindi siya pinalaki ng kanyang mga magulang para manira ng pamilya o relasyon at;  4.) Hindi raw pinagbantaan ni Chavit ang kanyang anak, bagkus ay pinayuhan lang ito na huwag nang panghimasukan ang mga babaeng committed na.

Sa “buntot” ng ikaapat na puntong ‘yon ay nais kong i-quote ang pahabol na pangungusap:  “Cogie is now experiencing a difficult and bitter learning episode in his life.”

Sa aking pagtanung-tanong tungkol sa whereabouts ngayon ni Cogie, I do not know how the “difficult” it is to be “on the loose,” na madalas umanong nakikita sa mga on-line casino, win or lose.

THERE SEEMS TO be a collective joy among the press sa certified box-office success ng pelikulang Kimmy Dora (Kambal Sa Kiyeme) ni Eugene Domingo, and by success, hindi ito kiyeme!

Nu’ng una, aminado ang ilang aligagang PR staff ng Spring Films that it bombed at the tills on its first day. Pero kung gaano naman daw kakonti ang mga manonood ay ganu’n din kabilis ang tinatawag na “word of mouth” advertising that it’s a must-see comedy outing.

Sincerely, masaya ako para sa apat na producers nito, the two being Bb. Joyce Bernal and Piolo Pascual as their initial project transcends money heavily bundled at their cash register. Higit dito ang maibibigay nilang job opportunities para sa maraming tauhan ng industriya which is not spared from the global financial meltdown.

If I may rephrase ang kasabihang “Hope springs eternal,” sa kaso ng mga taong nagsugal at nagtagumpay sa Kimmy Dora, I would say “Spring (Films) brings eternal hope.”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleYaman ni Willie Revillame, babawiin? – Tita Swarding
Next articleBB Gandang Hari, nag-iisip nang magpa-sex change? – Lolit Solis

No posts to display