PROUD SI Merryl Soriano sa pelikulang niyang Sapi kasama sina Dennis Trillo at Baron Geisler. Bago pa man kasi ang regular showing ng nabanggit na horror film na idinirehe ng award-winning director na si Brilliante Mendoza, umikot na sa iba’t ibang international film festival.
“Nakatutuwa na bago ang showing nito rito sa atin on November 6, naipalabas na ito sa Busan International Film Festival, sa SITGEST International Film Festival, sa Rio De Janeiro International Film Festival, at sa Asia-Pacific International Film Festival. And then recently, nagkaroon din ito ng European premiere sa Spain. And the it will gonna be shown also sa Brisbane, Australia, and then sa Taiwan, tapos sa Switzerland.”
Ginagampanan ni Merryl ang role bilang segment producer ng isang documentary show tungkol sa mga taong sinasaniban o napu-posses. Si Baron ang cameraman, at si Dennis naman ang host.
“Actually, na-challenge kaming lahat sa pelikulang ito. Kasi ito ‘yong movie na wala kaming sinusunod na script. Na… pumupunta kami talaga sa mga lugar na may mga taong totoong nakararanas na masaniban. Aktuwal na ando’n kami mismo habang dinu-document ‘yong pangyayari.
“Nakakatakot. Nando’n ‘yong fear na… baka pati kami, saniban din. Kaya nga before and after ng mga eksena namin, we always pray. Kasi, hindi nga namin alam kung ano ba ang mangyayari.”
Blooming si Meryll ngayon. At hindi naman niya itinatanggi na meron siyang boyfriend. Isang Italian guy na naging kaklase niya sa Central St. Martin sa London, kung saan kumuha siya ng kursong Product Design.
Hindi ba mahirap na karelasyon ang isang foreigner dahil sa differences when it comes to culture o kung anupamang aspeto?
“Actually, mas okey ako. Wala naman kaming nagiging problema so far.”
Alam nito na artista siya dito sa Pilipinas?
“Of course. He found out after. We’ve dated for a long time.”
Masasabi ba niyang… he’s the one?
“Sana. Pero hindi naman natin masasabi, eh. Unless nandiyan na, ikakasal na kayo. Eh sa ngayon, hindi ko pa naiisip ang tungkol sa pag-aasawa. Babalik ako sa London sa September next year. Itutuloy ko pa rin ang pag-aaral ko. So, habang nandito sa Pilipinas, magtatrabaho muna ako. Bukod dito sa Sapi, may dalawa pa akong indie film. So, samantalahin na may mga project. Work lang nang work. Tapos ipon.”
NITONG MONDAY, October 21 nakabalik ng Pilipinas si Eugene Domingo. Galing siya sa Japan. Limang araw siya roon para makibahagi sa ongoing pa rin hanggang ngayon na Tokyo International Film Festival.
Entry kasi rito ang pelikula niyang Barber’s Tales which is written and directed by Jun Robles Lana. Kasama niya rito sina Iza calzado, Edgar Allan Guzman, Eddie Garcia, Gladys Reyes, Daniel Fernando, Shamaine Buencamino, at ilang mahuhusay na stage actors.
One week pa raw bago ang awards night para sa nasabing film festival. Eh, kinakailangan nang uwumi ni Eugene dahil sa taping schedule niya for Celebrity Bluff, shooting para sa Kimi Dora 3 na isa sa entries sa MMFF sa Dcember, at promo ng Status: It’s Complicated na showing na ngayong November 6.
“I play the role of Marilou,” ani Eugene patungkol sa character niya sa Barber’s Tales. “Isa siyang mahiyain at conservative na babae na sumusunod lamang sa kanyang asawa. And then dumating sa isang punto na kailangan niyang magdesisyon at ipaglaban ang kanyang pinaniniwalaan bilang isang babae at bilang isang Pilipino.
“This is my first full length drama. So, I’ll forever be indebted to Direk Jun for entrusting me with this kind of material.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan