• 0912206xxxx – Sir Idol, nais ko pong humingi ng tulong para po sa aking kapatid na tomboy. Ang nangyari po kasi nakulong ang aming pamangkin dahil siya ay na-trouble. At ang aking ka-patid ay gustong makita sa loob ng presinto ang aming pamangkin at doon, nagkaroon ng pagtatalo at ayon sa mga tao sa presinto, nabastos ang kanilang Chief of Police. Kaya ang nangyari po, kinasuhan ito ng disobedience at disrespect. At pagkatapos, binugbog pa po ang aking kapatid na tomboy ng mga bodyguard ng Chief of Police dito sa Olongapo. Ok na po sana na kinasuhan nila ang kapatid ko pero sana po hindi na ito binugbog. Sana po Idol, tulungan mo kami na magkaroon ng hustisya ang pang-aabusong ginawa sa aking kapatid.
• 0918310xxxx – Idol Raffy, isa po akong concerned citizen, isusumbong ko po sa inyo ang isang sugalan sa terminal ng jeep sa Tagapo, Sta. Rosa, Laguna. Malapit po ito sa sambahan ng Iglesia Ni Cristo. Mayroon pong madyongan at tong-its. Ang mga opisyales po ng sama-han ang may pakana ng sugalang ito. Ang kanilang katuwiran, malakas sila sa munisipyo at sa presinto. Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming problema rito sa aming lugar. More power sayo idol at sa inyong show.
• 0922806xxxx – Sir Raffy Tulfo, pinahihintulutan po ba na i-hold ang passport ng isang tao na pinipilit na mag-witness sa isang human trafficking. Ang kapatid ko po ay na-hold sa NAIA nitong nakaraang Setyembre 25, 2011. Papunta po sana siya ng Afghanistan at ito na po sana ang kanyang pangatlong balik. Ang nangyari po kasi, nahuli po ang isa nilang kasama at pati sila ay hindi pinayagan makaalis ng bansa para makunan ng statement. Ayaw nga po niyang mag-witness pero pinilit siya sa kundisyong ibabalik ang kanyang pasaporte. Pero matapos ang pagbibigay ng statement ay hindi pa rin ibinalik ang kanyang pasaporte. At hanggang ngayon po wala pa ring hearing na nagaganap. Umaasa po kami na mabibigyan ninyo ng tugon ang aming problema. Maraming salamat po.
• 0928980xxxx – Sir Raffy, ako po si Wilfredo Bañez, isa po akong taxi driver. Ang akin pong reklamo ay sa isang pulis na nakasagi ng side mirror ng motor ko. Kinuha po niya ang aking lisensya at pinatikitan sa isang traffic enforcer. Ngayon po pumunta ako sa inyong Action Center at binigyan po ako ng sulat para lumapit kay Ms. Nancy Villanueva ang Chief ng Manila Traffic. Ang sabi po sa akin, i-contest ko na lang daw po. Ang tanong ko lang po tama po ba ang ginawa ng pulis na pagpapatiket sa akin?
• 0905336xxxx – Sir Raffy, nahulidap po ako ng dalawang traffic enforcer malapit sa Pasay. Alas-dose po ng hating-gabi, galing ako ng NAIA, corner going to 5 Star bus. Wala po akong violation pero pinara nila ako at pilit kinukuha ang aking lisensya. At para hindi na raw po ako maabala, magbigay na lang ako ng halagang P1,500. Sobra ang pangongotong sa akin ng dalawang enforcer na iyan. Sana po ay masibak at makulong ang mga ganyang klase ng tao.
Para sa inyong mga sumbong at reklamo mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming Action Center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.
Shooting Range
Raffy Tulfo