OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng bonggaderang chikahan.
OMG! As in napag-usapan na raw ng magkakapatid na anak ni Dolphy, na ready na sila kung sakaling mawawala na si Dolphy. Kasi nga naman, lalong lumalala ang kundisyon ni Dolphy na hanggang ngayon nasa Makati Medical Center pa rin na magda-dalawang linggo na sa ICU.
Sabi nga ng kanilang anak na si Eric Quizon, naniniwala raw sila na talagang sobrang nakatutulong ang prayer.
“I sincerly believe the prayers help, kasi minsan ang bilis. Obviously, he is sick. We were prepared. We could talk about a lot of things even the worst. Then Ate Sally would tell us every time we would talk about the worst thing, doon magkakaroon ng development or improvement sa dad ko.”
Tulad sa panayam ng DZRH kahapon ng umaga sa programa ni Joe Taruc at Cesar Chavez sa kanyang anak na si Rolly Quizon, binalik na naman daw ang ventilation machine, kaya kung ano man daw ang mangyari, handa na silang magkakapatid na tanggapin ang hatol ng Panginoon. Pero talagang hinahangaan nila ang kanilang ama dahil nakikita raw nila na talagang nakiki-paglaban daw ito at gusto pa talagang mabuhay.
Ipinararating din na mga anak ni Dolphy na nagpapasalamat sila sa lahat ng mga taong patuloy na nananalangin para rito.
Sa mga nagtatanong kung ano ang sakit ni Dolphy at bakit hirap na hirap ito sa paghinga, alam ko po ito kasi parehas kami ng sakit, ang COPD or Emphysema na talagang ‘pag susumpungin ka, ang hirap huminga at hindi mo talaga alam kung ano na ang mangyayari sa ‘yo.
Matagal din ako na ICU sa Lung Center of the Philippines na sabi nga ng doktor kon, isang himala ang paggaling ko. Kaya lang, ang kay Tito Dolphy, marami nang complication sa kidney at ibang organ ng kanyang katawan at sinasalinan na ng dugo at gumagamit na ng ventilation machine. In short, talagang accute na ang kanyang sakit kaya masasabi ko na himala na rin ang magpapagaling sa kanya.
Kaya sana po, patuloy tayong manalangin para kay Tito Dolphy. Naniniwala ako na prayers can move mountains. God is always good all the time. ‘Yan din ang pakiusap ng nakasabayan niya halos sa industriya na si Direk Eddie Garcia na sana tumagal pa ang buhay niya at maibigay na ang controversial na National Artist award habang buhay pa si Tito Dolphy.
Talagang ganyan ang buhay. Kahit nasa iyo nang lahat ang kayamanan, kung oras mo na, wala tayong magagawa kung hindi tanggapin na lang natin kung ano ang hatol ng Diyos.
Kaya hanga ako sa mga anak ni Dolphy na kaya na nilang tanggapin kung ano man o sakali mang mawala na si Tito Dolphy. Habang ginagawa ko ang column ko, kasalukuyang nagsasalita si Rolly Quizon sa himpilang DZRH na sa aking pakiramdam ay inaasa na lang nila sa dasal at Diyos ang paggaling ng kanyang ama.
Sa mga nagtatanong naman kay Zsa Zsa Padilla, sobra raw talaga ang ibinibigay niyang pag-aasikaso, pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang long-time partner si Mang Dolphy na parating nasa tabi ng komedyante sa lahat ng oras. Hindi ko lang alam, kasi sa Lung Center, bawal ang may kasama sa loob, at mga nurse lang ang kasama mo. Makakapasok lang sila ‘pag oras ng dalaw.
Sa mga nagtatanong kung ilang taon na si Dolphy, 85 na po siya ngayong July. kaya patuloy po tayong manalangin na sana maghimala na makaligtas pa sa pangalawang pagkakataon si Dolphy.
BLIND ITEM: Pitik-bulag. Sino itong talagang maaawa ka sa mga kuwento ng beteranang character actress na dahil sa pag-ibig, para siyang ninakawan nang harap-harapan?
Kasi ba naman, bawat something-something, may kapalit. Una nagpabili ng motorsiklo. Tapos, dyug ulit. Nagpabili naman ng side car. Next, sumama sa Pangasinan, hiningi ang alaga niyang kambing. Next, hindi na hiningi kung hindi pinagbili ang tatlo niyang baka, at hayun, lulugo-lugo ang matronang character actress.
Naurot daw ang kanyang kabuhayan, kaya hiniwalayan na siya ng kanyang luko-lukong papa.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding