JACKIE FORSTER’S Remember Me music video for her sons Andre and Kobe is so touching.
The video showed the happy moments of Jackie and her sons. Nakaiiyak ang message ni Jackie at talagang humingi pa siya ng paumanhin sa dalawa niyang anak.
But there was a part of her message which caught our attention.
“I was only 16 Andre when I had you, 18 with Kobe… what did I know? I was always just told what to do even If I didn’t know how… I tried… I tried my best and that’s all I had to do, right?” sabi ni Jackie.
So, Jackie was still a minor then nang binuntis siya ni Benjie Paras.
Hindi ba’t crime na mambuntis ang isang lalaki ng minor?
Marami ang naawa kay Jackie because they felt na she went at great length para lang mapatawad siya ng kanyang anak. But it seems na DEADMA pa rin ang sons sa ina. Pusong bato yata ang mga ito.
Actually, utang na loob nina Andre at Kobe ang pagkakaroon nila ng good looks kay Jackie. Alin, kung naging kamukha lang sila ni Benjie, eh, meron kayang magkagustong kunin sila for showbiz?
Kaya magtigil na sana ang magkapatid na ito sa kanilang bitterness sa kanilang ina. Mag-move on na kayo, otherwise, makikilala lang kayo sa showbiz bilang magkapatid na walang modo dahil itinakwil ninyo ang inyong ina. Alam n’yo naman ang mga Pinoy, palaging maka-ina. Awayin n’yo na ang lahat ‘wag lang ang inyong ina, dahil tiyak na hindi kayo magiging successful.
THERE IS no word to describe the launching of Movie Stars Café sa Seaside Boulevard ng SM MOA kundi bongga.
There was a show, a raffle and fabulous food on the table. This, aside from the entertaining excerpts from Broadway shows made the occasion a truly special one.
Movie Stars Café owner Yasunari Okada was hands-on sa lahat ng nasa kanyang resto. He was generous enough to display his wide collection of Hollywood movie posters. Ang dami rin niyang life-size superhero figurines na naka-display roon.
“It’s one of my hobbies,” he said about his poster collection. Sabi niya, around P100 million na ang nagastos niya sa theme restaurant niya.
His infusion of Broadway productions ay ang kanyang paraan ng pagkilala sa galing ng Pinoy bilang performers.
“What’s important is, everybody is talented. In comparison with other countries, the Filipinos are the best in the world,” sabi niya.
Yasunari even shared na after his restaurant ay magbe-venture siya into film production. Gusto niyang makagawa ng pelikula sa atin.
Actually, tuwang-tuwa nga siya nang mag-shooting si Kim Chiu sa restaurant niya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas