PANSAMANTALANG HINDI PA maipatutupad ang itinakdang Resolution 8758 o ang Implementing Rules ng Fair Election Act dahil sa mga reklamong natanggap ng Commission on Elections (Comelec) mula sa ilang celebrities.
Sa ilalim ng naturang batas, dapat lumiban o magbitiw sa puwesto ang mga celebrities na may programa sa telebisyon, radyo at kolumnista sa mga pahayagan na nangangampanya sa isang kandidato habang panahon ng campaign period.
Matatandaang naghain ng mosyon sa Comelec ang kampo ni vice presidential candidate Edu Manzano dahil magiging banta umano sa kabuhayan ng mga artista ang Resolution 8758.
Tulad na lamang ng pag-alma ng aktres na si Angel Locsin na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
Sa panig naman ng aktor na si Dingdong Dantes, hayaan na raw ang Korte Suprema na sumagot sa isyu.
Dahil sa mga natanggap na reklamo, muling ipinagpaliban ng Comelec ang pagpapatupad ng kanilang kautusan.
Ayon naman kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, pag-aaralan muna nila ang mga inihaing reklamo bago gumawa ng bagong hakbang.
Ni Benedict Abaygar, Jr.