ILANG ARAW BAGO ang eleksiyon sa Lunes, Mayo 10, patuloy na dumarami ang mga artistang direktang nagpapakita ng suporta kay Lakas-Kampi-CMD presidential bet Gilbert “Gibo” Teodoro, Jr.
Kamakailan lang, nagdeklara ang beauty queen actress-TV host na si Ruffa Gutierrez ng kanyang suporta kay Teodoro. Sa kanyang Twitter at Facebook accounts, nagpahayag si Ruffa ng, “Just got hit by the green fever! My President is G1BO TEODORO! Galing & Talino — SULONG G1BO! )
“4 months ago, when my mom told the family she was for GIBO, we all laughed at her. Nag-iisa siya. 8 days before the elections, we now realize she was right all along.” Dagdag pa ni Ruffa.
Sa isa pang post ni ni Ruffa sinabi niyang, “I have finally reached a decision. Win or lose, it will not be a wasted vote. Mine will be an informed vote on May 10. I choose Gilbert Teodoro for President.”
Naglagay na rin si Ruffa ng green twibbon na ‘Vote Gibo’ sa kanyang Twitter avatar. Ang ilan sa nabanggit niyang kagaya niyang ‘greenies’ ay sina Dawn Zulueta, Miriam Quiambao, Bubbles Paraiso, Christine Bersola-Babao, Daphne Oseña-Paez, Megan Young at Direk Joey Reyes.
Maliban kay Ruffa, ang nanay niyang si Annabelle Rama na isang Cebuana at buong angkan nito sa Cebu ay solid Gibo na rin. Maging ang kambal ni Richard Gutierrez na si Raymond ay sumuporta na rin kay Gibo. May green twibbon na rin ang Twitter avatar ni Mond at sabi niya sa kanyang tweet, “What’s great about supporting G1BO: we’re not doing it as a favor for someone, but we actually believe in his vision & capabilities.”
Pinoy Parazzi News Service