NAGBUBUNYI ANG mga taga-showbiz, dahil ang sinuportahan nila at ng buong Pilipinas ay nag-number one pang senador, si Sen. Grace Poe.
Bongga ring mag-endorse si Tita Susan Roces, ‘no? In-endorse din nito si Chiz Escudero at nag-number three sa partial unofficial.
Tulad nga ng bilin ni Tita Susan kay Sen. Grace ‘pag nakaupo na, “Pagbutihin mo!”
SI NANCY Binay naman ay hindi na natinag sa no. 5. Nagtataka ang mga twitter followers kumbakit nanalo si Nancy? Eh, gano’n talaga? Hindi naman ‘yung gusto mong mangyari ang mangyayari.
Maaaring sympathy vote na ang hinamig ni Nancy para manalo siya. Eh, siya ba naman ang lait-laitin sa twitter na kesyo walang alam, alalay lang ng tatay niya. Ni hindi man lang daw nag-Barangay Captain.
And worse, pati kulay niya ay inokray na ng iba, kaya sino ba naman ang hindi maaawa kay Nancy, ‘di ba?
Sa totoo lang, kahit kami, hindi namin ibinoto si Nancy, eh. Pero hindi naman kami umabot sa puntong kailangang maliitin namin ang kanyang kapasidad at okrayin ang kanyang kulay, eh sa ‘yan ang kulay ng Pinoy, eh.
Pero dahil nanalo si Nancy Binay, eh sino kami para magalit? Nandiyan na ‘yan, eh. Accept and move on lang naman ang drama diyan.
Nakakalokah nga ‘yung iba, eh. Nagagalit eh, hindi naman ibinoto si Nancy. Ngayong wagi ang lola mo, lalo silang nagagalit. Hahahaha! Juice ko, kesa iinit n’yo ng ulo ‘yan eh, hayaan n’yo na.
Patunayan na lamang ni Nancy na hindi niya sinasayang ang boto ng taumbayan sa kanya at hindi lang siya anak ng tatay niya. Patunayan niyang kaya rin niyang makipagdebate sa floor hanggang sa ma-realize ng mga umookray sa kanya na mali sila at dapat silang humingi ng sorry sa kanya.
Kung may mapapatunayan siya, malaking tulong ‘yon para sa kandidatura ng dad niya bilang Presidente. Pero kung waley ang performance niya sa Senate, malaki rin ang epekto nito sa pagtakbo ng tatay niya bilang Pangulo.
WAGI ULI si ER Ejercito, pero ang dalawa niyang kapatid na tumakbong board member na sina Gherome Ejercito at Gerald ay hindi pinalad, samantalang nangunguna naman bilang board member ang reeleksiyonistang si Gary Estrada.
Nakakalungkot lang na hindi rin nabigyan ng chance si Richard Gomez na maging mayor ng Ormoc City at ganu’n din si Joey Marquez bilang Congressman sa 2nd District ng Parañaque.
Wagi naman ang magkapatid na Anjo at Ryan Yllana bilang Konsehal sa Quezon City at sa Parañaque respectively. Ganu’n din si Alma Moreno na reeleksiyonistang konsehala sa Parañaque.
Hindi naman pinalad si Tita Annabelle Rama sa Cebu bilang Congresswoman, dahil mga 80 thousand votes ang lamang sa kanya ng kalaban. Kala pa naman namin malakas si Tita A sa mga pictures na ipinapakita sa Instagram ng mga anak niya.
Sa Manila naman ay siyempre congrats kina Erap at Isko Moreno as mayor and vice-mayor respectively. Pumasok din bilang konsehal sina Robert Ortega at Yul Servo.
Yehey naman para kay Aga Muhlach bilang Congressman sa Camsur, ganu’n din ang ipinagdasal din naming magwagi na si Leni Robredo. Natalo naman si Christopher de Leon sa Batangas bilang Congressman, pero landslide victory naman para kay Ate Vi.
Si Roderick Paulate ay pasok uli bilang konsehal sa second District ng Quezon City at wala namang kalaban si QC Mayor Herbert Bautista. Congrats din kay Alfred Vargas na waging congressman sa QC.
Natalo rin si Ervic Vijandre bilang Konsehal ng Taguig samantalang wagi namang Congressman si Direk Lino Cayetano. Si Jolo Revilla naman ang wagi bilang vice-governor ng Cavite.
Nako, marami pa kaming dapat batiin at kalamayin ang loob, pero hindi na namin nabanggit. Anyway, ibang klaseng kumaway ang politics talaga, ‘no? ‘Pag wala kang pera o sapat na pondo hanggang araw ng halalan, pag-isipan mong mabuti bago pumasok.
Oh My G!
by Ogie Diaz