DREAM COME true para kay Direk Chris Martinez ang makagawa ng isang musical film – as writer and director – at ito nga ang I Doo, Bi Doo, Bi Doo, kaya ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Unitel Pictures big boss na si Mr. Tony Gloria, producer ng said indie film.
‘Wag isnabin ang cast: Gary Valenciano, Zsa-Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Sam Concepcion, and Eugene Domingo! Ka-join rin sina Tippy Dos Santos and Neil Coleta. At tulad ni Chris, award-winning din ang musical director ng movie na si Vincent de Jesus.
Ang movie ay inspired ng 17 songs na pinasikat ng APO Hiking Society in their 40 years as a top trio, as one of the icons in OPM (Original Pilipino Music), or simply a “living legend” na sa larangan ng musika.
Sino ba naman sa atin ang hindi “trip” ang maraming mga awitin ng APO Hiking Society na binubuo nina Jim Paredes, Danny Javier, and Buboy Garovillo? Sabi nga ni Direk Chris, halos iisa ang “bottom line” ng mga kanta ng APO – mostly about “love”, be in relationships or friendships.
“Musical genius” din ang bansag/ taguri namin kay Vincent, na simula nu’ng makatrabaho namin siya sa “All About Men (Penis Talks)”, created and produced by Direk Manny Valera, eh humanga na talaga kami sa husay niya. Winner din ang lola n’yo sa kanyang films as best musical director sa ilang award-giving bodies.
Hanggang sa last year (2011), wala nang tatalo pa – in our list – sa galing ni Vince, as far as original Pinoy music in theater is concerned, nang ma-watch namin ang “Caredivas” na rave na rave namin at ng critics alike, kaya humataw ito nang husto at magkaka-repeat sa April 2012, kasanib-puwersa na ng Repertory Philippines!
Going back to I Doo, Bi Doo, Bi Doo, take note na mga singers ang nasa cast, at tapos na nga ang madugong recording ng bawat isa, para sa pelikula. Noong binubuo pa nga lang ang konseptong ito, natakot pa si Jim Paredes at baka ma-disappoint daw siya sa kalalabasan ng mga areglo ng songs nila, pero nagkamali siya – he liked them.
Wonderful tribute talaga ito sa APO Hiking Society, and they deserve this film, dahil buong Pilipinas ang huma-hanga sa kanila, nagtala ng super-daming list of hit songs, recording albums, concerts, and shows here and abroad.
Eh, ilang taon na nga bang walang pelikula si Gary V.? Sinamahan pa nga-yon ng mga de kalibreng singers like Zsa Zsa and Ogie at with matching Uge pa at Sam (for his young fans), masarap abangan ang pelikula na may target release sa mid-2012.
Si Direk Chris ay nagdirek din ng magagandang mga pelikula tulad ng 100, Here Comes The Bride, Temptation Island, at siya ring lumika ng script ng blockbuster comedy flick na Kimmy Dora na may part 2 nang gagawin this year, na sa Korea ang shooting, huh!
NALOLOKA SI Direk Joel Lamangan sa ginagawa niyang Valiente sa TV5, sa laki ng scope nito at aniya’y talagang ginagastusan. All the way to Batangas pa kasi ang location, sa malaking hacienda, sa malaking plantation, etc.
“Dati-rati, ang mga ginagawa ko,ang location ay sa bahay lang, so umiikot lang kami sa kitchen, salas, garahe. Eh ngayon, dahil hacienda na ubod nang laki ang location namin, nakakapagod ang pagbaklas ng crew kung hindi pagsasama-samahin ang scenes of same location!” chika ni Direk Joel sa bonggacious na presscon ng Valiente na mismong sa Lipa, Batangas ginanap.
Limang taon din ang pamamayagpag ng nasabing serye sa Pinoy television noong 1990s, not in one, but in two networks – ABS-CBN and GMA, surely a hard thing to beat, huh!
Eh, sa panahon ngayon, masuwerte ka na kung maka-2 seasons (6 months) ang isang teleserye, na mostly ay 1 season (3 months) lang.
Bida sina Oyo Sotto and JC de Vera, kasama rin dito sina Nadine Samonte and Niña Jose. Say ng mga nakapanood ng rushes, kakaibang Niña raw ang mapapanood dito, dahil bida-kontrabida ang role na ginagampanan niya dito, so mas may “color” ang kanyang performance sa kanyang character.
“Kabog” din ang Valiente sa TV5 dahil sila lang ang nakapagsama-sama sa former real-life couples na sina Jaclyn Jose and Mark Gil, at sina Gina Alajar and Michael de Mesa, na may mga anak, bago sila nagkaroon ng kanya-kanyang ibang pamilya.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro