NABALITAAN KO po na nagluwag na raw ang bansang Saudi sa mga nais na mag-DH doon. Na-lift na po raw ang ban. Nagbabalak po akong mag-apply roon bilang DH, pero gusto ko sa-nang makatiyak na magiging maganda ang kalagayan ko roon. Ano po ba ang mga bagong patakaran doon? — Lilia ng Maragondon, Cavite
TOTOO ‘YAN. Pero sana nga ay maipatupad muna ang mga dating batas at patakaran bilang karagdagan sa mga bagong patakaran na susundin ng kahariang Saudi. Partikular nating hinihiling na ipatupad ang mga sumusunod na probisyon ng nilagdaang kasunduan para maiwasan na ang pang-aabuso sa ating mga kababayan: 1) Ang pagbibigay ng US$400 na minimum na sahod para sa DH sa nasabing bansa; 2 ) Day off minsan isang linggo; 3) Taunang holiday na aabot sa 30 araw; 4) Karapatang mapasakanila ang kanilang passport habang nagtatrabaho sila sa Saudi; 5) Libreng tiket taun-taun tuwing uuwi sila sa Pilipinas; 6) Pagsagot ng employer sa mga bayarin; 7) Pagbabawal na magtrabaho ang DH sa ibang bahay; at 8) Iba pang magandang trato sa mga DH.
Nakasaad din sa kasunduan na ang employer ay magbubukas ng bank account para sa DH para doon ilagak ang kanyang suweldo buwan-buwan. Idagdag pa rito ang pagbibigay ng disenteng pagkain at tirahan para sa maid.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo